Dennis Trillo labis ang pasasalamat sa mga tumangkilik sa ‘Maria Clara At Ibarra’

Dennis Trillo labis ang pasasalamat sa mga tumangkilik sa 'Maria Clara At Ibarra'

SUPER grateful ang Kapuso actor na si Dennis Trillo sa lahat ng mga manonood na sumuporta sa kanilang teleserye na “Maria Clara At Ibarra”.

Nitong Martes, February 21, tuluyan nang nagpaalam ang kanyang karakter bilang Crisostomo Ibarra at Simoun sa teleserye.

Ibinahagi ni Dennis sa kanyang Instagram account ang behind-the-scene video ng kanyang huling eksena sa “Maria Clara at Ibarra”.

Kalakip rin sa post ang mensahe ng kanyang pasasalamat sa lahat ng mga masugid nitong manonood.

Saad ni Dennis, “Nais kong ibahagi ang mga kaganapan sa pagtatapos ng aking huling eksena, sa maituturing kong isa sa pinakamakabuluhan at importanteng proyektong kinabilangan ko.

“Nais kong magpasalamat ng buong puso sa bawat tao ng naghirap para pagandahin ang programang ito, at siyempre walang tagumpay kung wala ang mga tumatangkilik. Salamat sa iyo, na minahal at naglaan ng oras para panoorin ang palabas, tenkyu. mahal ko kayo, hanggang sa muli.”

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa mga netizens at maging ng kanyang mga nakatrabaho ang mahusay na pagganap ni Dennis sa historical portal fantasy series.

“Congratulations kuya,” komento ni Juancho Trivino na gumanap bilang si Padre Salvi.

“Salud,” saad naman ni Julie Anne San Jose na gumanap bilang Maria Clara, kasintahan ng karakter ni Dennis.

“Napakagaling brother! Honor to always work with you! Congrats bro @dennistrillo!” saad ni Rocco Nacino na gumanap naman bilang Elias.

Maging ang Senior Vice President for Entertainment ng GMA na si Lilybeth Gomez-Rasonable ay nagpaabot rin ng pagbati kay Dennis.

“Isa ako sa mga pumalakpak (at lumuha) sa eksenang ito kanina! Napakahusay mo! Take a bow @dennistrillo! Ipinagmamalaki kita. Ipinagmamalaki ko kayong lahat!” pagbati nito.

Nakatakdang magtapos ang “Maria Clara At Ibarra” ngayong Biyernes, February 24 at ang papalit namang teleserye dito ay ang “Mga Lihim ni Urduja” na pagbibidahan nina Kylie Padilla, Sanya Lopez, at Gabbi Garcia.

Related Chika:
Dennis Trillo sa pagganap bilang Crisostomo Ibarra: Sobrang bigat kaya parang hindi ka puwedeng magkamali…

Lock-in taping ng serye nina Dennis, Barbie at Julie Anne sa Ilocos binagyo, nilindol: Pero nakaraos din…

Darryl Yap puring-puri ang ‘Maria Clara at Ibarra’ nina Barbie, Dennis at Julie Anne: Hindi nakakabato, hindi kailangan ng hype

Julie Anne, David, Barbie handa bang ipaglaban ang taong minamahal hanggang kamatayan?

Read more...