NAKAKALOKA ang mga rebelasyon ng award-winning veteran actress na si Dina Bonnevie tungkol sa naging karanasan niya noon sa mga naging leading man niya sa pelikula.
Ilan sa mga ibinuking niya ay ang mga aktor na sina Christopher de Leon, Gabby Concepcion, Vic Sotto at Rustom Padilla na isa nang transgender ngayon bilang si BB Gandanghari.
Sa vlog ng kanyang kaibigan at kasabayan noon sa Regal Films na si Snooky Serna ay naichika nga ni Ms. D ang mga hindi niya malilimutang experience sa mga naging ka-loveteam niya sa showbiz.
Aniya, super imbiyerna raw siya sa award-winning actor na si Boyet de Leon nang magsama sila sa mga una nilang pelikula dahil sa pagiging pasaway nito. Hinding-hindi raw niya malilimutan ang kissing scene nila.
“Inis na inis ako sa kanya kasi lagi siyang late. Remember one time, sa inis niya sa akin, may kissing scene siya sa akin. Kumain ng bagoong!” ang natatawa niyang kuwento.
Bago raw nangyari ito, kinompronta muna niya si Boyet dahil palagi itong nale-late sa shooting, “Sabi ko, ‘Why’re you late? Kanina pa yung call time. How come you just arrived now? Tapos ka nang mag-make up? Kasi gusto ko nang umalis.’”
Kasunod nito, umalis daw bigla ang aktor at magpaalam na maliligo muna bago kunan ang halikan nila ni Ms. D, “Ito na, kissing scene. Pag ganu’n (paglapit ng mukha sa kanya) sabi ko, ‘Oh my God, Direk!’ Sabi ko, ‘What did you eat?’ Tawa siya nang tawa.
“Sabi niya, ‘Arte-arte mo kasi, e.’ My gosh! Oh my gosh! Sabi ko, ‘Direk, Ang baho. Amoy bagoong!’” ang nalokang reaksyon ni Dina sa pang-aasar na ginawa ni Boyet.
Ngunit paglipas ng panahon ay nakita ni Dina ang malaking pagbabago sa aktor, “But now, oh my, God. I love working with Boyet. Totally 360 degrees, nagbago siya. I love the way he’s become.”
Nagsama ang dalawa sa mga pelikulang “Anak” (1982), “Palipat-lipat Papalit-palit” (1982), “Heaven is Not Divided” (1985), “Magdusa Ka )” (1985), at “Gumapang Ka sa Lusak” (1990).
Samantala, knows n’yo ba na may dalawang aktor na nagsuntukan dahil kay Ms. D? Yan ay walang iba kundi si Gabby Concepcion at ang yumaong aktor na si Alfie Anido.
Nagkasama sina Dina at Gabby sa pelikulang “Katorse” na ipinalabas noong 1980, at nakasama nga nila rito ang pumanaw na aktor na si Alfie na naging boyfriend din ni Dina.
“Di ba, lumiligaw sa akin si Alfie, tapos pinopormahan niya (Gabby) rin ako. Nagsuntukan sila ni Alfie,” ang rebelasyon ni Dina.
Inalala rin niya yung mga panahong nakatrabaho niya si Rustom Padilla, na mas kilala na ngayon bilang si BB Gandanghari. Nagkasama sila sa mga pelikula ng Viva Films na “Hanggang Saan Hanggang Kailan (1993) at “Sana Dalawa Ang Puso Ko” (1995).
Ayon kay Dina, siya raw ang nagsilbing tulay noon sa pag-iibigan nina Rustom at Carmina Villarroel, “Hindi pa uso yung cellphone. Ako yung tagasabi, ‘Hindi mo pa daw siya bini-beep. Magpadala ka daw ng beep message.'”
Naaalala rin niya na feeling awkward sila ni Rustom nang gawin nila ang isang love scene sa movie, “Meron kaming love scene noon, sabi niya, ‘Pamangkin kita.’
“In the middle of the eksenang love scene, sabi ko, ‘Tsong, wag po, wag po.’ Kasi sabi niya, tiyo ko daw siya,” ang humahalakhak na kuwento ni Dina.
“Alam mo, tawa kami nang tawa. Hindi namin matapos yung love scene sa kakatawa,” aniya pa.
Ibinuking din ni Dina ang ilang kaganapan sa pagsasama nila noon ni Bossing Vic Sotto bilang mag-asawa na nakasama rin niya sa ilang pelikula. Aniya, napakaseloso raw noon ng TV host-comedian.
Isa pa sa bonggang rebelasyon ni Dina ay ang pagiging stalker ni Gary Estrada. Nagtambal sila sa pelikulag “Tag-Ulan, Tag-Araw” noong 1992, na ipinrodyus din ng Viva Films.
“Sinusundan na ako hanggang sa bahay. Sabi ko, ‘Why do you keep following me? Aanhin kita, ang bata-bata mo? Hindi kita puwedeng maging boyfriend, okay?’” sabi ni Dina.
Inamin daw ni Gary na mahal siya nito at nagbanta pa nga raw itong sasaktan ang kanyang sarili pero wa epek daw ang pagbabanta ng aktor, “Kasi napuno na ako (sa kany).”
Related chika:
Dina Bonnevie awkward nga bang makipag-close kay Pauleen Luna?