Alodia Gosiengfiao, Christopher Quimbo kinaaliwan sa wedding photo kasama ang principal sponsors, hiling ng netizens: ‘Gift reveal!’

Alodia Gosiengfiao, Christopher Quimbo kinaaliwan sa wedding photo kasama ang principal sponsors, hiling ng netizens: 'Gift reveal!'
KINAALIWAN ng mga netizens ang in-upload ni Alodia Gosiengfiao na wedding photo nila ng entrepreneur na si Christopher Quimbo kung saan kasama nila ang kanilang principal sponsors.

Nitong Lunes, February 20, ibinandera ng cosplayer-entrepreneur ang mga larawan na kuha sa kanilang kasal noong Valentine’s Day.

“With our parents and principal sponsors,” caption ni Alodia sa larawan.

Talaga namang mapapa-wow ka na lang dahil bigatin talaga at kilala sa business world ang mga ninong at ninang ng dalawa.

Kabilang nga sa mga principal sponsors nina Alodia at Christopher at sina Mr. Larry Chan at Mrs. Peggy Chan, Mr. Hans Sy at Mrs. Caroline Sy, Atty. Perry Pe at Mrs. Robina Gokongwei-Pe, former Senator Manny Villar at Senator Cynthia Villar, and Dr. Hayden Kho at Dra. Victoria Belo-Kho.

Umani nga ng samu’t saring komento na talagang nakakatawa mula sa netizens ang naturang larawang ng bagong kasal.

“GIFTS According to a reliable source! . 20,000 square km island, 2 brand new helicopters, 5 subdivisions, 2 Cities one each! 500, 000 hectares of the closest part of the Pacific Ocean!”

“Hindi pa po ako ikakasal pero pano po sila makuhang Ninang din?”

“Billionaires Club Meeting na may Konting Wedding. By the way Congrats po.”

“Gift reveal please!”

“The gifts: unlimited shopping , unlimited house and lot, unlimited whole body treatment.and the last unlimited travel around the world with package!travel around the planets! wow Sana all.

“sino kaya nag regalo ng bagong mundo?”

Samantala, wala pa namang sagot si Alodia kung kakasa ba ito sa hamon ng madlang netizens.

Abangan na lang natin at baka maglabas naman ito ng wedding gift haul vlog sa kanyang YouTube channel lalo na’t mukhang for sure ay trending agad ito pag na-upload.

Related Chika:
Alodia Gosiengfiao spotted sa Balesin kasama ang rumored boyfriend

Chris Quimbo na-feel agad na gusto nang pakasalan si Alodia Gosiengfiao kahit 4 na buwan pa lang nagde-date

Alodia Gosiengfiao nag-‘yes’ agad-agad nang mag-propose si Chris Quimbo, walang takot na naramdaman sa pag-aasawa

Alodia Gosiengfiao nagpakasal na kay Christopher Quimbo sa mismong Araw ng mga Puso

Read more...