DALAWANG taon na ang nakalilipas buhat nang magpakasal ang showbiz couple na sina Jessy Mendiola at Luis Manzano.
At ngayong araw, February 21, nag-post ang dalawa sa kanilang Instagram account bilang pagbati sa isa’t isa sa kanilang 2nd wedding anniversary.
“’I will protect you and I promise that if you grow weak, I will be there to fight your battles for you.’——7 years together, 2 years married and still counting,” panimula ni Jessy.
Pagpapatuloy pa niya, “Isabella and I are so blessed to have you in our lives. I prayed for you every day, my love. God heard my prayer and gave me a good man.”
Aniya, alam daw ng Diyos kung gaano kapuro ang puso ni Luis ay ang kabaitan nito ang isa sa mga rason kung bakit ito nahulog sa asawa.
“You are kind to a fault that others take advantage of your good soul. [heart emoji]. Maybe that’s why God put me in your life, para maging pulis sa mga epal na umaaligid sayo,” hirit pa ni Jessy na tila parinig sa mga taong umaabuso kay Luis.
At gaya nga ng pangako niya sa asawa noong ikinasal sila two years ago, mananatili siyang bestfriend, protector, at lover sa asawa hanggang sa dulo.
“Happy 2nd wedding anniversary, my love. Rosie and I will always be here for you, through thick and thin. I love you very much,” greeting ni Jessy.
Maging si Luis ay may sariling entry na pagbati sa asawa.
“One of the best decisions in my life was inviting you to my 2016 birthday (halatang napilitan ka lang at uwing uwi na), little did I know it was the start of a beautiful journey getting to know a friend, bestfriend, girlfriend, fiancee, wife and hot momma,” pagbati ng TV host-actor kay Jessy.
“Happy 2nd wedding anniversary and thank you for being the strength of this family. Peanut and I love you Mama!” dagdag pa niya.
Sa kabila ng kinakaharap na isyu ni Luis ay nananatiling matatag ang samahan nila ni Jessy lalo na’t pinagkalooban sila ng isang napakagandang anak na si Baby Peanut.
Matatandaang February 21, 2021 nang mangyari ang civil wedding ng dalawa na ginanap sa Lipa City, Batangas ngunit April 2021 na nang kumalat ang balitang pag-iisang dibdib nila.
December 29, 2022 naman nang ipanganak ni Jessy ang kanilang panganay na si Isabella Rose Tawile Manzano.
Related Chika:
Jessy nakiusap sa haters: Sana ‘wag nating i-crucify ang isang tao dahil lang mali yung sinabi niya
Jessy Mendiola naimbyerna sa chikang may cleft palate ang anak: It is never okay to spread fake news
Jessy Mendiola, Luis Manzano magkaka-baby girl na