Antoinette Taus may kapatid daw sa labas: ‘Sana matulungan n’yo ako, mahirap ang buhay ko ngayon sa probinsiya’

Antoinette Taus may kapatid daw sa labas: 'Sana matulungan n'yo ako, mahirap ang buhay ko ngayon sa probinsiya'

Antoinette Taus at Anthony Taus

AWARE kaya si Antoinette Taus na merong isang lalaking nagngangalang Anthony Taus na nagke-claim na kapatid umano niya sa ama?

May nakarating sa aming chika na this Anthony is asking for help and tried to reach out kay Antionette pero wala pa itong reply sa chat niya.

Humihingi ng tulong si Anthony dahil hirap siya sa buhay ngayon. He’s living with her mom sa Northern Samar at ang pagpe-pedicab ang kanyang ikinabubuhay.

Actually, nanawagan na siya ng tulong sa isang video uploaded sa SAFARI SV VLOGS titled “MAY PANAWAGAN DIUMANO ANG KAPATID NI ANTOINETTE AT TOM TAUS SA KANILANG AMA @AntoinetteTaus.”

Napanood namin ang video kung saan nagkuwento ng buhay niya si Anthony.

“Ako si Anthony Flores. Nakatira sa Northen Samar. Ang trabaho ko ngayon dito ay isang pedicab driver. Nananawagan ako sa tatay kong Amerikano na si Tomas Taus, Sr.

“Saan ka man ngayon Papa, sobrang miss na miss kita dahil mula pagkabata ko ay hindi  na kita nakita. Sana ay magkita na tayong dalawa.

“Magkapatid din kami sa ama ni Antoinette Taus. Sana matulungan ninyo ako. Mahirap ang buhay ko ngayon sa probinsiya,” say ni Anthony sa video.


Sa video, sinabi ng madir ni Anthony na si Tessie na pumunta sila sa father ni Anthony noong 2017 pero hindi nila ito naabutan.  Ipinakita pa niya ang photo ng tatay ni Antoinette.

Itsinika rin niya na eight years silang nagsama at mabait naman ito sa kanya. Binibigyan siya ng pera at pagkain.

Sinabi ni Tessie na kung hindi maniniwala si Antoinette na may kapatid siya sa labas ay willing naman silang magpa-DNA test.

Ipinakita rin sa video ang pagpe-pedicab ni Anthony. Kumikita siya ng P150 to P200 kapag matumal ang pasahero.

Meron din pasaherong naaawa sa kanya na nagbibigay ng P200 to P300 para makatulong sa kanya.  Noong panahon ng Covid ay nagka-lockdown at wala silang pasahero dahil may pandemya.

Nagsimula siyang nag-sidecar noong 2013. Sinasabihan daw siyang siya lang ang Amerikano na mahirap dahil nagsa-sidecar. Meron din ipinakitang maliit na sari-sari store.


Ikinuwento niya ang minsan ay binabaha sila sa kanilang bahay.  Tumutulong din ang nanay niya na nagtitinda ng saging.

Mayroon din siyang dalawang kapatid sa second husband ng kanyang nanay.

“Sana matulungan ninyo akong makita ang tatay ko kasi matagal ko na siyang hindi nakikita. Gustung-gusto ko siyang makita. Ang pangalan ng tatay ko ay Tomas Taus, Sr. sana po makarating po sa kanya itong video,” say ni Anthony sa video.

Nauna nang na-report sa isang online portal ang pagkakaroon ng half-brother ni Antoinette Taus noong 2007.

Any reaction, Antoinette? We’re more than willing to get your side. Bukas ang BANDERA sa magiging reaction ng actress about it.

* * *

Itinanghal na kauna-unahang “Girl on Fire” grand winner si Mary Delle Cascabel matapos niyang binida ang angking galing sa pagsasayaw, kumpiyansa sa sarili at nag-uumapaw na kaseksihan sa hottest dance competition ng bansa na “Girl on Fire: The Blazing Finale” ngayong araw (Pebrero 18).

Nakakuha nga siya ng total average score na 9.3 mula sa combined scores ng Hataw Royalties na sina Regine Tolentino, Sunshine Garcia, G-Force Myka, AC Bonifacio, Chie Filomeno, Zeus Collins, Jay Roncesvalles, Vimi Rivera at John Prats.

Bilang grand champion, nag-uwi ang Cebuana ng P500,000 mula sa S.C.D at exclusive management contract mula sa Polaris ng Star Magic.

Samantala, nakapag-uwi naman ang runner-ups na sina Kaye Alfafara at Beverly Ypon ng tig-P50,000.

Naunang namaalam sa kompetisyon at nakakuha ng tig-P20,000 ang finalists na sina Jess Reyes, Kim Dueñas, Nica Santos, Krystin Mendoza, Kim Tubiano, Jelai Ahamil, at Ahlex Leyva.

Umani rin papuri mula sa madlang pipol ang naturang finals dahil sa maganda nitong stage set-up at magagaling na judges. Nanguna sa trending topics ang hashtag ng finale na #GirlonFireTheBlazingFinale.

Nagtrending din sina Kim Chiu, Kaye, Beverly, Mary Delle, AC Bonifacio, at taglines na FIREnaIHataw GOF with AC, Showtime Team CHIE x Beverly, at madlang people.

Dapat naman abangan ng mga manonood ang bagong segment ng “Showtime” na “Isip Bata” simula ngayong Lunes (Peb. 20).

Rufa Mae present din sa campaign rally ni Pacman, Direk Antoinette nag-react: Mall tour yarn?

Antoinette Jadaone palaban kapag may issue sila ni Dan Villegas: Hindi talaga ako nagpapatalo

Mark Anthony payag gumawa ng gay movie: Pero hindi ko kayang makipaghalikan at makipag-love scene sa kapwa ko lalaki

Read more...