Donita Nose ilang beses tinanggal ni Willie sa Wowowin: ‘Pero wala akong sama ng loob, hindi ako nagtampo kasi…’

Donita Nose ilang beses tinanggal ni Willie sa Wowowin: 'Pero wala akong sama ng loob, hindi ako nagtampo kasi...'

Willie Revillame at Donita Nose

“WALA akong sama ng loob  hindi ako nagtatampo kay Kuya Wil!” ang mariing pahayag ng Kapuso TV host-comedian na si Donita Nose sa gitna ng kinasasangkutang kontrobersya ngayon ni Willie Revillame.

Nakachikahan ng BANDERA ang komedyante at dating co-host ni Willie sa “Wowowin” bago magsimula ang premiere night ng pelikulang “Ako Si Ninoy” sa Power Plant Mall ng Rockwell Center sa Makati City.

In fairness, knows ni Donita ang mga kaganapan sa buhay ni Willie kabilang ang mga isyung kinasasangkutan nito at ng bagong network na ALLTV kung saan napapanood ang “Wowowin.”

Natanong namin si Donita kung ano ang masasabi niya sa panunumbat umano ng veteran TV host at “public servant” sa ilang personalidad na bumabatikos sa kanya sa kabila ng pagtulong niya sa mga ito.

“Matagal ko na kasing kasama si Kuya Wil. Kilala ko siya. Sobrang kilala ko siyang tao, kung ano ang gusto niya, kung ano ang ayaw niya, at kung saan siya matutuwa, di ba?” simulang pagtatanggol ni Donita kay Kuya Wil.


“Para sa akin kasi, si Kuya Wil kasi yung tao na kapag gusto ka niya, gusto ka niya talaga. Tutulungan ka niya. Kapag may nakita siya sa iyo na kakaiba na parang pursigido ka, tutulungan ka talaga niya, di ba? Si Kuya Wil, mapagbigay. Mapagbigay yan.

“At dumadating sa point na parang sa akin naman, never… wala naman, never niya akong inano…actually, ilang beses na niya akong tinanggal, e.

“Pero pinababalik pa rin niya ako, di ba? So, ganu’n yun. Yung parang ano, I don’t burn bridges talaga. Kahit siguro sabihin natin na nandu’n ako sa kanya, tapos paaalisin niya ako all of a sudden, ‘Tanggal ka o ano, ganyan-ganyan!’” pahayag pa ng stand-up comedian.

Pagpapatuloy pa ni Donita, “So ako, wala akong sama ng loob. Hindi ako nagtatampo na parang, ‘Bakit bigla mo naman akong ginanyan-ganyan whatsoever, ganyan.


“Sa akin kasi, yun talaga siya, e. Yun ang ugali ni Kuya Wil. Once gusto ka niya, dito ka. Magtrabaho ka nang maayos. Kapag may nagawa kang mali o hindi niya nagustuhan, siyempre siya yung ano, siya yung boss namin, tatanggalin ka talaga niya, di ba?

“Pero kapag alam niyang okay ka talaga, darating at darating, kukunin ka ulit niyan. Kasi alam naman niya talaga na magaling ka, e. Gumawa ka lang ng hindi maganda kaya ka niya tinanggal,” paliwanag pa niya.

Isa si Donita sa cast members ng “Ako Si Ninoy” na pinagbibidahan ni JK Labajo mula sa direksyon ni Vince Tañada, na siya ring nasa likod ng controversial film na “Katips.”

In fairness, kahit maikli lang ang ganap ni Donita sa movie bilang alalay ni Tuesday Vargas, ay pak na pak naman ang mga eksena niya na nagpatawa sa lahat ng mga nanood sa premiere night ng “Ako Si Ninoy.”

Showing na ito bukas sa lahat ng mga sinehan. Kasama rin sa movie sina Cassy Legaspi, Joaquin Domagoso, Marlo Mortel, Pinky Amador qat marami pang iba.

Cristy Fermin sa itsura ngayon ni Tekla: ‘Yung pagiging unprofessional nanggagaling sa bisyo ‘yan…

Nisha Bedaña walang sama ng loob sa pagkatsugi sa ‘Idol PH’ pero: This is my last competition but this is not my last performance

Donita Nose inireklamo ang airline company dahil sa nawalang bagahe, ‘di nakapagpalit ng panty

Read more...