Darryl Yap tinawag na sinungaling sina Direk Joel at Cherry Pie: ‘Wag masyadong makapal ang mukha n’yo…hindi kami natatakot sa inyo’

Darryl Yap tinawag na sinungaling sina Direk Joel at Cherry Pie: 'Wag masyadong makapal ang mukha n'yo...hindi kami natatakot sa inyo'

Darryl Yap, Joel Lamangan at Cherry Pie Picache

DIRETSAHANG tinawag na “sinungaling” at “makapal ang mukha” ng controversial director na si Darryl Yap sina Joel Lamangan at Cherry Pie Picache.

Sumabog na ang galit ni Darryl kagabi, February 20, sa grand media conference ng pelikula niyang “Martyr or Murderer” nang hingan ng reaksyon sa matatapang na pahayag nina Direk Joel at Cherry Pie laban sa kanya.

Ito’y nag-ugat sa mainit at maanghang na patutsada ng veteran director at premyadong aktres sa presscon ng pelikula nilang “Oras de Peligro” noong February 12.

Mariing sinabi ng beteranong direktor ma ang pelikula nila nina Cherry Pie at Allen Dizon na  magbubukas sa mga sinehan sa March 1 ang tinapatan ng “Martyr or Murderer.”

“Sila ang tumatapat, hindi kami. Ibig sabihin, napakaimportante ng pelikulang ito kaya nila tinatapatan at takot sila,” ang mariing sabi ni Direk Joel.


Matapang din na nagpakawala ng maaanghang na salita si Cherry Pie laban kay Direk Darryl at tinanong pa nga ito ng, “May konsensiya pa ba siya?”

Kasabay nito, sinabi rin niya na papayag siyang gumanap na Imelda Marcos sa isang pelikula pero hindi siya magpapadirek kay Darryl.

Pagkatapos ng bonggang mediacon kagabi ng “Martyr or Murderer”, lumapit si Direk Darryl sa ilang miyembro ng press at mga vloggers at sinabing isahang pagsagot na lang ang gagawin niya sa lahat ng nanghihingi ng reaksyon niya sa kinasasangkutang kontrobersya.

“This is my ultimate statement and I’m gonna repeat it,” ang simulang pahayag ng filmmaker.

“Huwag masyadong makapal ang mukha ninyo. This is the day of information technology. Lahat ng sasabihin ninyo, may record.

“For once, hindi kami ang tumatapat. Secondly, hindi kami natatakot sa inyo. Huwag kayong sinungaling!

“Kung nagsisinungaling kayo sa dahilan ng paggawa ninyo ng pelikula, paano maniniwala ang tao sa inyo na totoo ang naranasan niyo noong martial law? Now, I am doubting them,” ang mahinahon ngunit punumpuno ng galit na pahayag ni Direk Darryl.

Aniya pa, “Hindi niyo ako puwedeng sipa-sipain na lang.

“Direk Joel, kaoopera mo lang nung December. Paulit-ulit ko yang sinasabi sa sarili ko para hindi humantong sa ganito, but you just don’t stop.

“Huwag kang magsinungaling na kami ang tumatapat sa yo. Ikaw ang tumapat sa amin. Kung hindi matanggap ng ego mo na isang gaya ko lang ang tatapatan mo, problema mo na yon,” dagdag pa niya.

Ito naman ang bwelta niya kay Cherry Pie, “Kung ako po sa inyo Miss Cherry Pie…nanood ako kanina ng Tanging Yaman kasi gustung-gusto ko siya doon para lang hindi ko siya pagsalitaan nang masakit.

“Ang kaibahan lang sa Tanging Yaman, hindi siya iniwan ni Edu (Manzano) doon. Asawa kasi siya ni Edu doon,” ang makahulugang sabi pa ni Darryl.

Patuloy pa niya, “You know Direk Joel, Miss Cherry Pie, yung natitira ninyong panahon sa mundong ito, huwag nyong gamitin para magsinungaling.

“Mag-meeting kayong dalawa kung paano ninyo ipo-promote nang marangal ang pelikula ninyo because we are not using your names, we’re not mentioning your names in any presscon.

“Stop this jurassic form of promotion. That’s the only and the last statement that I will deliver.

“Don’t you dare malign my bosses, all the money that was produced here were all from hard work. Viva is not like that. Senator Imee is not like that,” chika pa ng direktor.

Si Sen. Imee ang creative and executive producer ng “Martyr or Murderer” kung saan si Cristine Reyes ang gumaganap sa kanyang karakter.

AJ rumesbak sa nagsasabing ‘sinungaling’ siya: Tama na ang pagmamagaling… wala kayong alam

Joey, Alma naiyak nang malamang pregnant si Winwyn: Buntis ka? Kailan pa ‘yan? Ilang buwan?

Darryl Yap titigil na sa pagresbak kay Cherry Pie: ‘Para maiwasan ko na ring mas makabastos’

Read more...