Darryl Yap titigil na sa pagresbak kay Cherry Pie: 'Para maiwasan ko na ring mas makabastos' | Bandera

Darryl Yap titigil na sa pagresbak kay Cherry Pie: ‘Para maiwasan ko na ring mas makabastos’

Ervin Santiago - February 15, 2023 - 02:43 PM
Darryl Yap titigil na sa pagresbak kay Cherry Pie: 'Para maiwasan ko na ring mas makabastos'

ITITIGIL na ng kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap ang pagsagot at pagpatol kay Cherry Pie Picache.

Ito’y matapos ngang magbitaw ng matapang at maanghang na pahayag si Cherry Pie laban sa filmmaker sa naganap na presscon ng pelikula niyang “Oras de Peligro”.

Maglalaban sa takilya ang “Oras de Peligro” na idinirek ni Joel Lamangan at ang part 2 ng “Maid In Malacañang” ni Darryl na “Martyr Or Murderer” mula sa Viva Films.

Diretsahang tinanong ni Cherry Pie si Darryl kung may kunsensiya pa ito dahil sa mga ginagawa niyang pelikula tungkol sa pamilya Marcos kasabay ng pagsasabing hindi siya magpapadirek sa filmmaker.

Sa kanyang Facebook account, sinabi ni Darryl na ito na ang huling magsasalita siya about Cherry Pie at sa mga patutsada nito laban sa kanya at sa mga ginagawa niyang pelikula.

“Bagamat ako po ay nagrereak lang,
sa palagay ko ay malinaw ko nang naihatid ang gusto kong sabihin sa lahat ng press, kaibigan at kakilalang nagtatanong kung ano ang masasabi ko sa patutsada ni Ms. Cherry Pie sa akin,” simulang pahayag ni Darryl.

Aniya pa, “Pinanood ko rin nang buo ang presscon nila na muntik ko nang isipin na ang title ay Oras de Darryl o Darryl De Peligro, dahil halos ako ang topic.

“Akala ko may nagtrigger lang sa kanya—pero wala; gusto nya talagang sabihin ang nasabi niya, pero ok lang—ganoon din naman ako tuwing sumasagot, ang kaibahan lang, never ako umatake,” sey pa ni Direk.

“Ito na siguro ang huli kong pahayag patungkol sa issue, para maiwasan ko ring mas makabastos o makatulong sa tao at sa pelikula, after all—kahit wala sa filmography niya, nalaman kong sa VIVA pala nagsimula ang mahusay na aktres, at dahil dyan—ok na yun,” mensahe pa ni Darryl sabay bati ng “Happy Valentine’s Day sa ating lahat.”

Nauna nga rito, ipinost ng direktor sa kanyang FB ang balitang lumabas dito sa BANDERA tungkol sa naging pahayag ni Cherry Pie about him na may titulong “Aking Reaksyon tungkol sa Pahayag
ni Ms. Cherry Pie Picache.”

Aniya, “Tinatanong po ni Miss Cherry Pie Picache kung may konsensya pa raw ba ko dahil sa mga Marcos films na ginagawa ko.

“Sasagutin ko po ang tanong nya, ng dalawang tanong.

“1. Alin kaya sa eksena sa #MAIDinMALACAÑANG at #MARTYRorMURDERER ang hindi totoo, napanood na ba nya ang #MIM, kasi ang #MOM ineedit ko pa. Ano sa loob ng mga gawa ko ang kasinungalingan?

“2. Napakahusay umarte ni Miss Cherry Pie, pero ngayon lang ako parang naOAyan sa kanya (actually pangalawa na pala ito, una nung umiyak sya sa kampanya ni Leni at para siyang CEO na isang pyramiding company na sumisigaw ng MANGHIKAYAT KAYO!)

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Cherry Pie Picache (@yescppicache)

“Ito, seryosong tanong Miss. Napanood ko kasi kung paano mo pinatawad ang pumatay sa Nanay mo, ang pagsabi mo ng magagandang bagay patungkol sa pangtanggap at pagbibigay katwiran sa mismong kriminal na pumatay sa Nanay mo— naisip ko, YUNG PUMATAY SA NANAY MO, NAYAKAP MO. Sigurado kang may kabutihan sa kanya?

“Ako, na gumagawa lamang ng pelikula (na dahilan kung bakit kayo may pelikula) AKO ANG TINATANONG MO KUNG MAY KONSENSYA?

“At wag po kayong mag-alala; wala naman po akong deklarasyon na gusto ko kayong makatrabaho.  #KAMOTEpie. MARAMING SALAMAT,” sabi pa ni Direk Darryl.

Related Chika:
Cherry Pie Picache payag gumanap na Imelda Marcos pero hindi magpapadirek kay Darryl Yap: ‘May kunsensiya pa ba siya?’

Darryl Yap bumuwelta kay Cherry Pie: Yung pumatay sa nanay mo nayakap mo….ako na gumagawa lang ng pelikula itatanong mo kung may konsensiya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Joel Lamangan sa mga pelikula ni Darryl Yap: ‘Ipaglaban ang katotohanan, hindi dapat padala sa melodrama ng awa’

Cherry Pie Picache: Sana mayroong isang Coco Martin na magbibigay halaga sa mga senior o elder actors

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending