Maymay Entrata sa dyowang si Aaron Haskell: Thank you for being my partner, and true love!

Maymay Entrata sa dyowang si Aaron Haskell: Thank you for being my partner, and true love!

KASABAY ng Valentine’s Day celebration ay ang kaarawan ng boyfriend ng Kapamilya singer-actress na si Maymay Entrata.

Isang emotional na post nga ang ibinahagi ng dalaga sa kanyang Instagram account bilang pagbati sa kanyang Canada-based boyfriend na si Aaron Haskell.

“Wishing a happy birthday and valentine’s day to the most handsome, humble, wise, and patient man I know,” saad ni Maymay.

Dagdag pa niya, “You have an amazing way of making me feel beautiful and cherished, even during tough and challenging moments.”

Aniya, ang suporta at commitment raw ng kanyang dyowa na tulungan siyang mag-heal at mag-grow mula sa kanyang dating trauma ay tansa ng “deep love and devotion” nito sa kanya.

Nagpapasalamat rin si Maymay sa ibinibigay nitong suporta at respeto sa kanya.

“I’m grateful for your steadfast support and respect for all that I do, and your love for me is a true reflection of God’s love.

“I thank God for blessing me through you. Our journey together in faith is a beautiful blessing, and experiencing true love, peace, and joy with you is more precious than any material wealth. Thank you for being my partner, and true love. [heart emoji]” sey ni Maymay.

Sa isa sa kanyang Instagram story ay ibinandera rin ng aktres ang larawan matapos ang kanilang dinner ni Aaron.

“Busog sa gugma, salamat Ginoo [Busog sa pagmamahal, salamat Panginoon],” saad ni Maymay sa caption.

Matatandaang noong Valentines’s 2022 nang aminin ng dalaga sa publiko ang relasyon nila ni Aaron.

Related Chika:
Maymay may pa-dyowa reveal sa mismong Valentine’s Day: Happy birthday my Valentino!

Maymay Entrata kering-kering lumaban sa Bb. Pilipinas at Miss Universe PH, pero…

Maymay Entrata balik Pilipinas na matapos mag-aral sa Canada: It’s good to be back!

Maymay: Kahit ano’ng gawin mo na maging mabait at perpekto lagi silang may masasabing mali

Read more...