Alfred Vargas nagpakilig ng mga estudyante, guro at empleyado sa UP; mag-aaral pa rin kahit senior citizen na
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Alfred Vargas at Yasmine Vargas
PINAKILIG ng actor-public servant na si Quezon City Councilor Alfred Vargas ang mga kababaihan nang magtungo sa University of the Philippines campus sa Quezon City.
Personal na nagtungo si Konsi Alfred sa UP School of Urban and Regional Planning nitong nagdaang Valentine’s Day para mag-enroll sa kanyang Doctorate degree on Urban Planning.
At dahil nga Araw ng mga Puso, matapos mag-enrol ay naisipan ng award-winning actor maglibot sa campus para mamigay ng red roses sa mga kababaihang naroon.
Of course, kilig-kiligan naman ang mga nabigyan niya ng bulaklak kabilang na ang mga kapwa niya estudyante, mga professor at ilang staff ng UP Diliman.
Sa Instagram reel ni Konsi Alfred makikita ang video ng kanyang pag-iikot sa naturang unibersidad na may caption na, “Met so many lovely people in UP Diliman during enrollment… So I thought of giving them roses for V-day Happy V-day, everyone!”
“BTW, I got my form 5 na! Thank you, UP!” aniya pa.
Sabi ni Alfred hindi lang dapat sa Araw ng mga Puso ipinakikita ang ating pagmamahal sa mga babaeng mahalaga sa buhay natin.
Dahil araw-araw ay deserve ng ating mga nanay, asawa, kapatid, kaklase, mga karelasyon na makatanggap ng ating appreciation, kahit sa mumunting paraan, tulad ng pagbibigay ng bulaklak o ano mang regalo na magpapasaya sa kanila.
Kaya naman hindi naitago ang pagkakilig at pagkagulat sa ginawang pambubulaga at sweet gesture ni Konsi Alfred, na ang Ilan at ‘di pinalampas na nagpakuha ng picture o magpa-selfie sa guwapong aktor at pulitiko.
Mayroon na ngang Master’s Degree in Public Administration si Alfred mula sa University of the Philippines National College of Public Administration and Governance at nasa plano niya ang mag-PhD sa Urban Planning.
Pangako rin niya ito sa kanyang yumaong ina na si Atty. Susana “Ching” Dumlao Vargas. Sa minamahal niyang ina natutunan ang pagpupursige sa pag-aaral at ang pagpapahalaga sa tunay na kahulugan ng serbisyon publiko.
Sey ng aktor, “Yes, after finishing my masters in public ad in UPNCPAG in 2021, I took the entrance exam of the college last year naman (2022). I passed it, and I am now pursuing my PhD in UPSURP (UP School of Urban and Regional Planning) to become an urban planner.
“It’s a long journey which will probably take me 4-5 years coz I’ll first have to get my urban planning diploma for the first two years, then masters for urban planning for another year, then my PhD for another 1-2 years, depending on my schedule.
“I love being a student again. I get a lot of insights and wisdom from my profs and classmates which I can apply as public servant. Learning is an everyday process. It should never end. I think I’ll continue to study, study, and study until I’m a senior citizen.
“I finished AB Management Economics in Ateneo de Manila as my undergrad. Then finished my MPA in UPNCPAG. And I will do everything I can to get that PhD from UPSURP in the next few years.
“I feel so lucky to have had the chance to study in two of the best universities in our country,” tuloy-tuloy na pahayag ng konsehal ng Quezon City.
Active na active pa rin siyempre si Councilor Alfred sa social media na kung saan umabot na sa 500K followers niya sa TikTok para maabot ang kanyang constituents at makapagbigay tulong at impormasyon, ginagamit rin ni Alfred ang social media para makapagpasaya ng publiko.
Samantala, kung wala nang magiging problema, ngayong Pebrero rin magsisimula ang shooting para sa dream project ni Alfred.
Ito ay ang “Pieta” kung saan makakasama niya ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor at ang movie icon at direktor na si Gina Alajar. Ito’y mula sa direksyon ni Adolf Alix, Jr..