Australian singer Ruel may libreng concert sa Taguig City ngayong Feb. 18

Australian singer Ruel may libreng concert sa Taguig City ngayong Feb. 18

PHOTO: Courtesy Sony Music Entertainment

KASALUKUYANG nasa Pilipinas ang Australian singer na si Ruel at magkakaroon siya ng libreng concert ngayong weekend!

Mangyayari ‘yan sa Sabado, February 18 sa Venice Grand Canal Mall sa Taguig City.

Ayon sa 20-year-old hitmaker, ito ay para i-promote ang kauna-unahan niyang album na may titulong “4th Wall” na nakatakdang ilabas sa March 3 under RCA Records at Sony Music Entertainment.

Inihayag din ni Ruel sa isang social media post kamakailan lang na excited na siyang makapagtanghal kasama ang Pinoy fans.

Nabanggit din niya na ito ang ikalawang beses na makakapag-perform siya sa ating bansa – ang huli ay noong 2019.

“Manila! I’m so excited to play a FREE show! I’ve created a Manila channel in my discord so we can all talk ahead of the show,” saad niya sa post.

Sikat ngayon sa mga Pinoy ang latest single niya na “Must Be Nice,” pati na rin ang “Someone Else’s Problems,” at “You Against Yourself.”

Nag-umpisa ang singing career ni Ruel noong 2017 sa edad lamang na 14.

Siya rin ang pinakabatang artist na nagtanghal sa Australian weekly radio segment na “Like a Version.”

Mula nang mag-umpisa sa karera sa musika, nakakuha na siya ng limang platinum records at two billion streams worldwide si Ruel.

Nakapag-tour na rin siya kasama ang bigatin at sikat na international singers gaya nina Khalid at Shawn Mendes.

Related chika:

Sobrang ganda ng role ni Sharon sa US series na ‘Concepcion’ — Ruel Bayani

Read more...