Pwede na kasi ‘yan gawing online imbes na makipagsabayan sa napakahabang pila sa LTO.
Sa pamamagitan ng tinatawag nilang “Land Transportation Management System (LTMS) portal” ay mabilis nang makaka-renew ang mga pribadong may-ari ng sasakyan.
Ayon kay LTO Chief Jose Arturo “Jay Art” Tugade, ang inisyatibo ay bahagi ng kanilang hangarin na maging maginhawa ang mga transaksyon sa ahensya.
“I am happy to announce that we are taking one step forward towards fully digitalizing our agency… We are once again delivering a commitment to the President and to the people… to make the transactions of the people with LTO easier, simpler, and more convenient,” sey ni Tugade.
Naniniwala ang LTO na dahil online na ang pagrerehistro ay mapipigilan ang paggamit ng “fixers.”
Ibinahagi ng ahensya ang step-by-step process ng renewal ng mga sasakyan sa isang Facebook page.
Paalala pa ng LTO, “Tandaan, bago po kayo makapagsawa ng transaksyon ay kailangan munang mayruong LTMS account at kumpleto ang mga dokumentong kailangan tulad ng ‘Certificate of Coverage’ mula sa isang insurance company at reference number para sa resulta ng inspeksyon ng ‘Private Motor Vehicle Inspection Center (PMVIC)’.”
Tiniyak ng ahensya na mananatili pa rin ang renewal rates – P240 para sa mga motorsiklo, P300 sa mga motorsiklo na may sidecar, P1,600 hanggang P8,000 sa mga sasakyan depende sa bigat at car type.
Ang online renewal ay applicable lamang para sa pagsasagawa ng “plain vehicle-renewal.”
Hindi mandatory ang pagpaparehistro online, pwede pa ring magpa-renew sa mismong LTO district offices.
Related chika:
5 ‘isnaberong’ taxi driver inaresto ng LTO, iba pang tsuper binalaan