Robin pinatitigil ang pagpapalabas ng ‘Plane’ ni Gerard Butler sa Pinas: ‘Reputasyon po ng Inang Bayan ang pinag-uusapan dito’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Gerard Butler at Robin Padilla
KINONDENA ni Sen. Robin Padilla ang pagpapalabas sa Pilipinas ng pelikulang “Plane” na pinagbibidahan ng Hollywood actor na si Gerard Butler.
Partikular na inireklamo ng actor-public servant ang mga eksenang nagpapakita ng mga negatibo at nakakatakot na imahe ng bansa na aniya’y nakakaalarma.
Nanawagan si Sen. Robin sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na i-banat itigil na ang pagpapalabas ng “Plane” sa mga sinehan sa buong Pilipinas.
Malinaw na pagsira raw ito sa reputasyon ng Pilipinas na posibleng makaapekto sa ekonomiya lalo na ngayong sinusubukan ng gobyerno na pabanguhin at pagandahin ang bansa.
“Alam niyo po napakasakit lang po…dito sa kanilang pelikula sinasabi ang ating otoridad ay naduwag na sa mga rebelde, hindi na po sila umaaksyon.
“At sinabi pa dito ‘they went down somewhere in the Jolo island cluster. It’s run by separatists and militias the Filipino armies were not there anymore,'” stimulant pahayag ni Robin sa Senate’s session kahapon.
“Hindi po dapat ito tanggapin. Sana po, nakikiusap po tayo sa ating MTRCB na sana po sa mga ganitong ganap kumakatok tayo sa opisina nila, ‘di po dapat ito pinapalabas sa Pilipinas.
“Dito po dapat sa ating bansa pinagbabawal ito at kino-condemn po natin ito,” katwiran ng senador.
Mariin pang sinabi ng senador na siguradong maaapektuhan din ang pamumuhay ng mga kababayan natin sa Mindanao, lalo na sa Jolo kung saan naganap ang kuwento ng naturang Hollywood movie.
“Reputasyon po ng Inang Bayan ang pinag-uusapan dito. Alam niyo po, pagka tayo pag pinaguusapan natin ang bayan natin at mga diprensya, okay lang ‘yan kasi trabaho natin ‘yan.
“Pero pagka ibang bansa na po ang bumabanat sa atin dapat ‘di dapat tayo pumapayag,” aniya pa.
Sinang-ayunan naman ito ni Senate President Juan Miguel Zubiri at sinabing kailangan ngang iprotesta ng Pilipinas ang pelikula ni Gerard Butler.
“As a nation we should send our regrets this is not the real situation on the ground,” pahayag ni Sen. Zubiri.
Ipinaalam na rin daw niya ito kay Pangulong Bongbong Marcos, “We are aghast. I said, ‘This really has to push us backwards in tourism again’. We could come out with a resolution. This is not how the Philippines is right now.'”
Sabi naman ni Sen. Bato dela Rosa, “It really painted a bad image of our country, wherein foreigners are being beheaded. Through that movie, the producers are causing fear among foreigners,” sabi pa ng senador.
“According to Gerard Butler, they crash landed somewhere in Davao in Southern Philippines before they were able to determine their exact location that was Jolo.
“It really painted a bad image sa ating bansa dahil nga Davao, wala kang makitang ganong klaseng lugar na may mga rebelde na ganon katindi na namumugot ng ulo without apparent reason, pinupugutan ng ulo ang mga foreigner,” Aniya pa.