Pinoy fans ng MOMOLAND shookt pa rin sa biglang pagbuwag sa K-pop group: ‘We are deeply sorry’

Pinoy fans ng MOMOLAND shookt pa rin sa biglang pagbuwag sa K-pop group: 'We are deeply sorry'

MOMOLAND

SHOOKT pa rin hanggang ngayon ang mga Pinoy fans ng Korean girl group na MOMOLAND dahil sa pagbuwag sa paborito at iniidolo nilang grupo.

Mismong ang anim na miyembro ng sikat na K-pop group ang nag-announce ng malungkot na balita kahapon sa pamamagitan ng mga handwritten letter.

Todo ang pasasalamat ng MOMOLAND sa lahat ng “Merries” (ang tawag sa kanilang loyal fans) all over the world na nagmahal at sumuporta sa kanila simula pa noong 2016.

Nag-post sa kani-kanilang social media account sina Nancy, Ahin, Jane, JooE, Hyebin, at Nayun para ipaalam nga sa milyun-milyon nilang supporters ang disbandment ng kanilang grupo.

Humingi rin sila ng paumanhin sa mga Merries na nalungkot sa kanilang paghihiwa-hiwalay at sana raw ay patuloy pa rin silang suportahan bilang mga solo artists.

“After a long, deep discussion, the six of us members have decided to support for each other to have a great new beginning going forward.

“Even though we have decided to take our own paths towards our dreams, Us MOMOLAND will always be a team,” ang bahagi ng kanilang official statement.


Nagpasalamat sila sa mga fans, “for providing us with precious memories and being by our side for the last seven years. Our Merries have been everything to us and always will be.”

“We are deeply sorry that we couldn’t let you guys know sooner, but sincerely thank each and everyone that have patiently waited for us.

“Moving forward, please continue to support and love MOMOLAND and each and every member’s path. Thank you,” ang pahayag pa ng MOMOLAND.

Matatandaang in-announce ng dati nilang talent agency na MLD Entertainment na nag-expire na ang kontrata ng Korean girl group at nagkasundo sila na huwag nang i-renew ang kanilang contract.

Ilan sa mga global hits ng MOMOLAND ay ang “BBoom BBom” at “BAAM.” Taong 2016 nang mabuo ang K-pop group sa pamamagitan ng reality talent search na “Finding Momoland.”

Naging Kapamilya rin ang grupo dahil sa partnership ng ABS-CBN’s at MLD Entertainment. Umapir noon ang mga Korean idols sa mga ABS-CBN programs tulad ng “It’s Showtime” at “Gandang Gabi Vice.”

James Reid spotted kasama si Nancy McDonie ng Momoland sa US, may ‘something’ na nga ba?

Regine shookt din sa pagkatsugi ng 2 ‘Idol PH’ finalist: Alam ko maraming nagulat sa inyo, kami rin

Jed na-shock nang pusuan ni BTS RM ang kanyang post: Ang init ng tenga ko at nagpa-palpitate!!!

Read more...