‘Topless selfie’ ni Jose Rizal viral na, kanino nga ba niya ito ipinadala at para saan?

'Topless selfie' ni Jose Rizal viral na, kanino nga ba niya ito ipinadala at para saan?

Ang sinasabing ‘selfie’ ni Jose Rizal (Photo from Facebook)

PATOK na patok ngayon sa social media ang mga pasabog na “selfie” ng Pambansang Bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal.

In fairness, bago pa man mauso ang selfie sa social media ay ginawa na pala ito ni Rizal pero siyempre hindi yan sa pamamagitan ng cellphone kundi sa self-sketch ng kanyang reflection sa salamin.

Sa nasabing sketch, makikita si Rizal na naka-topless, nakataas ang kanang kamay at nakalagay ang closed fist sa kanang panga with matching brush-up na buhok.

Makikita ang nasabing “selfie” ni Rizal sa Facebook account ni Ambeth R. Ocampo, isang Filipino historian, author at columnist na ipinost nitong nagdaang February 12, 2023.

Ang nakalagay sa caption ay, “RIZAL’S SHIRTLESS SELFIE.

“We all know Rizal in an overcoat, but in his youth, long before he became National Hero; he took off his shirt, posed in front of a mirror, and drew a selfie.


“This drawing reproduced in Austin Craig’s ‘Life, lineage and labors of Jose Rizal’ (1913) is unlocated and believed to have been lost or destroyed during the 1945 Battle for Manila.”

Base sa libro ni Craig, nabanggit na ang nasabing litrato ay iginuhit ni Rizal para sa training sa kanyang sketching class.

Naikuwento rin ni Ocampo sa kanyang column sa Inquirer noong June 19, 2015 ang tungkol sa naturang selfie ng ating National Hero na may titulong, “Rizal’s self-portraits late 19th century’s selfies.”

“The first was drawn sometime in his last years as a high school student at Ateneo Municipal or his early years as a college student at the University of Santo Tomas,” sabi ni Ocampo.

Samantala, ang second selfie naman ni Jose Rizal ay naka-preserve sa South Bohemian Museum sa Ceské Budejovice, Czech Republic.

Ipinadala raw ito ng nobelista sa kanyang kaibigang Austrian teacher na si Ferdinand Blumentritt para malaman nito ang kanyang itsura kapag sila’y nagkita na. Nasa edad 25 na raw  noon si Rizal.

Ang nakalagay na mensahe ni Rizal kay Blumentritt na nakasaad sa kanyang “selfie” ay, “Enclosed is a sketch of myself that I am sending you as an advance.

“It is said that it has a certain resemblance to me, but I am not sure if it really has. As soon as I have a good photograph, I will send it to you. Those that I have are all retouched or badly taken,” sabi pa raw ni Rizal.

Julia may pinadalhan na ng sexy selfie; Gerald umaming may sinapak na

Vice Ganda hinamon si Anne Curtis: Hindi mo kayang mag-selfie ng nagpa-pump ng gatas

Cesar mas na-challenge sa pagganap bilang Ferdinand Marcos kesa kina Rizal at Bonifacio; super proud daddy kay Diego

Read more...