Julia may pinadalhan na ng sexy selfie; Gerald umaming may sinapak na | Bandera

Julia may pinadalhan na ng sexy selfie; Gerald umaming may sinapak na

Reggee Bonoan - April 25, 2021 - 04:42 PM

PAGKATAPOS ng street food challenge vlog ni Gerald Anderson kasama ang girlfriend na si Julia Barretto, ang aktor naman ang nag-guest sa YouTube channel ng aktres.

“Never Have I Ever with Gerald Anderson” ang title ng episode ng magkasintahan kung saan kailangan nilang uminom ng alak kapag guilty ang sagot nila.

“Never have I ever said I Love You just for the sake of saying it” ang bungad na tanong kay Julia. Sagot kaagad ng dalaga, “Never! Never!  I always say I love you from the heart.”

Hinuhuli naman ni ‘Ge ang kasintahan na sumagot uli ng, “Never. Kahit nasa eksena ako or nasa trabaho ako, siyempre nanggagaling pa rin sa puso.”

Ikalawang tanong, “Never have I ever eavesdropped on my partner.” Guilty sila pareho kaya sabay nag-shot sina Gerald at Julia.

Curious kami kung sino ang sinapak ni Gerald na sabi niya ay hindi naman stranger para sa kanya sa ikatlong tanong na “Never have I ever hit a stranger” kaya uminom ulit ang aktor.

Tila tipsy na si Gerald nang sabihin niyang, “Ang dami nito baby (sabay tingin sa mga papel na may tanong). Ano ba gagawin natin?  ‘Wag naman lahat,” tila iritang sabi ng binata.

“Maybe some you haven’t done. C’mon it’s a drinking spill. You can do this,” say ni Julia sa boyfriend na napilitang uminom ulit.

Ang ikaapat na tanong “Never have I ever checked my partner’s messages on their phone” at parehong hindi ginawa ng dalawa sa mga naging partners nila sa past.

“Never have I ever said I’m on my way when I’m still at home” ang ika-limang tanong. Pareho uli silang guilty kaya shot na naman ang dalawa at mukhang sanay na si Julia dahil hindi man lang nalulukot ang mukha niya kumpara kay Gerald na sumusuko sabay sabing, “Nakakahiya sa inyo, sorry.”

Pumapalakpak naman ang dalaga, “You’re doing a good job (sabi sa dyowa).”

Ikaanim na tanong, “Never have I ever gone without a bath for more than 2 days” na pa raw nagagawa ng dalawa, kadalasan ay isang araw lang daw.

Sa next question na, “Never have I ever sent someone a sexy selfie” ay umamin si Julia na ginawa na niya ito. Never naman ang sagot ni Gerald.

“So nagse-send ka ng sexy selfie mo?” tanong ng binata sa dalaga.

“Secretly,” sagot ni Julia sabay inom.

“Never have I ever kissed in a movie theater” — parehong guilty ang dalawa kaya inom na naman sila. Tila pareho nang nag-iinit ang magkasintahan kaya sabi ni Gerald, “Kasing-init ng Init ng Magdamag ang nararamdaman ko.”

Sa tanong na “Never have I ever lied to impress someone”, ang sagot ni Gerald, “No, hindi ba malalaman naman, I never lie to impress you?  Bakit may sinabi ba ako dati tapos nalaman mo pala hindi totoo?” tanong ng aktor sa girlfriend niya.

“No, none,” sambit ng aktres.

“Did I ever lie?” balik-tanong ng dalaga.

“Yeah, may mga ilan lang, but it’s okay (takang-taka si Julia)! Hindi, okay lang, baka nagpapa-impress ka lang,” tumawang sagot ng binata.

“Really? That’s sad,” sambit ni Julia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaloka! Inilaglag talaga ni Gerald na nagsinungaling sa kanya ang girlfriend.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending