Sam Verzosa hindi iniwan ni Rhian habang nagluluksa sa pagpanaw ng ama; ‘Dear SV’ bagong public service program na may puso

Sam Verzosa hindi iniwan ni Rhian habang nagluluksa sa pagpanaw ng ama; 'Dear SV' bagong public service program na may puso

Rhian Ramos at Sam Verzosa

“ANG importante nagmamahalan kami, nakasuporta at nandu’n kami para sa isa’t isa.”

Yan ang mensahe ni Tutok To Win Party List Rep. Sam Verzosa patungkol sa estado ng relasyon nila ngayon ng kanyang girlfriend na si Rhian Ramos.

Ito’y matapos ngang mapabalita na break na sila ng Kapuso actress kasunod ng pag-unfollow nila sa Instagram noong December, 2022.

Last Valentine’s Day, sa presscon ng bagong public service program ni Sam na “Dear SV”, na mapapanood na sa CNN Philippines, simula sa February 18, ay sinagot niya ang lahat ng maiintrigang tanong ng media.

Ayon kay Sam, dinamayan at hindi siya iniwan ni Rhian nang pumanaw ang kanyang tatay na si Samuel Verzosa Sr. noong February 5, “We’re okay, we talk every day, we text each other every day.

“Actually, nandu’n siya sa ospital, dumadalaw sa papa ko. Hanggang namatay ang papa ko nandun siya, nagpunta siya sa wake.

“Nandu’n siya sa ospital hanggang nawala ang papa ko. Katabi namin siya, kasama namin siya. Yun ang pinakaimportante du’n, nandu’n kami for each other,” pahayag ng TV baguhang host.

Nagpaliwanag din si Sam tungkol sa isyung hiwalay na sila ni Rhian dahil sa pag-unfollow nila sa isa’t isa sa Instagram, “Alam ninyo, nagsimula yan nung nag-unfollow. Para sa akin, yung follow at unfollow na yan, di nagde-define ng relationship.

“Kasi ang social media, di naman yan validation ng isang relationship kung masaya o hindi. Kasi minsan maganda ang mga posts, masaya. Magugulat ka na lang yung mag-asawa, naghiwalay na.


“Mayroon namang hindi nagpo-post, pero alam niyo, sobrang saya. Mayroon tayong mga ganu’ng kaibigan,” aniya pa.

Sey naman si Sam tungkol sa relasyon nila ni Rhian, “Ako, normal sa akin ang mga hindi pagkakaintindihan. Ang importante nakakapag-usap kayo, naayos niyo, nakikilala ninyo ang isa’t isa lalo, mas nagma-mature kayo.

“Now, we’re striving to be the best version of ourselves. Ang importante nagmamahalan kami, nakasuporta kami sa isa’t isa at nandun kami para sa isa’t isa.

“Kung anuman ang label na tawag ninyo dun, kayo na ang bahala,” aniya pa.

And yes, nag-level up na rin daw ang relasyon nila ni Rhian, “Nasa next level na tayo diyan. Alam niyo, bawat relasyon may levelling, nasa next level naman tayo.

“Nakikilala namin ang isa’t isa, naggo-grow tayo, natututo tayo sa mga pagkakamali. Now, sabi ko nga, we’re striving to be the best version of ourselves,” aniya pa.

At sa tanong kung napag-uusapan na rin ba nila ni Rhian ang pagpapakasal, “Alam ninyo, in every relationship naman, siyempre maiisip mo yan.

“Sabi ko nga, we’re in a stage na we’re getting to know each other, we’re growing as a person.

“And bago tayo dumating diyan, dapat handa tayo, at pag dumating yan, sana yun nga, maabot natin kung ano yung best o better version of ourselves.


“Ready? I’m still on the process kasi bata pa naman tayo, marami pang nangyayari, marami din natutunan along the way. Kapag talagang dumating yan, mararamdaman na lang din namin.”

“Pero napag-usapan na namin yan kahit hindi pa kami. About relationships, ano ba ang mga plano namin sa buhay. ‘Gusto ko ganito. Kailan mo gustong mag-settle down?’ Basta kami, wala pa kaming concrete plans on that,” sabi pa ng TV host-entrepreneur.

Sagot naman ni Sam sa question kung ano ang gift niya kay Rhian nitong Valentine’s Day, “Actually, matagal ko nang naibigay. Kasi ang pinakaimportanteng regalo ay ang sarili mo at ang pagmamahal mo sa isang tao.

“Walang materyal na bagay ang puwedeng tumumbas du’n, so naipadala na natin dati pa, naibigay na natin,” chika pa niya.

Samantala, super thankful naman si Sam kay Rhian dahil binibigyan siya nito ng tips sa hosting, “Sinusuportahan niya ako, sinusuportahan niya yung show. Sa kanya ako minsan humihingi ng tips about hosting kasi bago ako dito.

“Ang galing-galing niyang mag-host, ang tagal-tagal na niya dito sa showbiz. Ako, bago ako dito.

“Nagtatanong ako sa kanya, ‘Paano ba? Di ko alam kung ano ang magiging hitsura ko sa camera. Paano ba kumausap ng mga tao lalo na pag mabigat ang mga pinagdadaanan?’

“Magaganda naman ang mga payo niya sa akin. Mayroong magagandang tutorial kasi ang hosting depende rin kasi yan sa show. Heto may pagkaseryoso.

“Lagi niyang sinasabi sa akin nu’n, ‘Just be brave to say whatever comes first to mind. Huwag kang mahiya kasi along the way, lalabas at lalabas ang tunay na sarili mo.’

“Iba ako, iba si Kuya Wil (Willie Revillame), iba ang ganitong host. You are your own. Very grateful na marami siyang naitulong at naibigay na advice sa akin,” katwiran pa ni Sam.

Naikuwento rin niya na may mga pagkakataon na nakakasama niya si Rhian sa mga charity programs ng pag-aari niyang kumpanya, ang Frontrow.

“Oo, pati siya nakasama ko na rin sa isang charity. She did a charity event for single moms, dun pa sa lugar namin sa Sampaloc, Manila.

“Yung mga single moms sa iba’t ibang barangay. Tinuruan namin na gumawa ng iba’t ibang sabon panlaba, sabon panlinis, kumbaga livelihood,” aniya pa.

Yan daw ang mapapanood ng mga Pinoy sa kanyang bagong show, “Ang pino-promote natin ay sustainable na pagbabago, mga sustainable na pagtulong. Hindi lang bigay, kundi para matulungan nila ang mga sarili nila. Yun ang very concept ng Dear SV.”

Rhian Ramos may bagong dyowa na, rumampa sa GMA Gala Night kasama si Sam Verzosa

Lolit Solis hiling ang maayos na private life para kay Rhian Ramos

Willie, Ai Ai may lovelife advice kay Rhian: Mas OK na magkaroon ka rin ng sariling pamilya

Read more...