Dianne Medina nag-trending dahil sa ‘subunit’ video, inulit ang entertainment report

Dianne Medina nag-trending dahil sa 'subunit' video, inulit ang entertainment report

UMANI ng iba’t ibang reaksyon mula sa madlang pipol ang news report ni Dianne Medina patungkol sa debut ng tatlong miyembro ng Korean girl group na TWICE sa Japan.

Ibinalita kasi ng TV host-actress sa programang “Rise and Shine Pilipinas” noong February 12 ang patungkol sa mga miyembrong sina Mina, Sana, at Momo na magkakaroon ng debut sa July 26, 2023 bilang Japanese subunit na MISAMO.

Ngunit imbes na tamang pronunciation ang masabi ni Dianne ay dire-diretso ang naging pagbigkas niya ng subunit.

Kaya naman agad na nag-trending ang TV host-actress sa Twitter at inulan ng komento partikular na ng mga K-pop fans.

“She [Dianne] could have at least did a quick research, I assume news details wasn’t given to her before the newscast hence the ‘SUBUNIT’,” tweet ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “I’m so sorry for laughing because of ‘subunit’ it sounds like sabunot. Anyway, it’s okay if she mispronounced it. Sometimes it’s hard to read words that you’re unfamiliar with. I think the teleprompter showed ‘subunit’, they should put ‘sub-unit’ instead.”

“She prolly thought it was a Japanese word or something,” chika naman ng isa.

Mukha namang nabalitaan ni Dianne ang pagkaka-trending sa Twitter kaya naman inulit niya ang kanyang entertainment report nitong February 13 at siniguradong tama na ang pagkakabigkas niya ng “subunit”.

Ibinahagi rin niya sa kanyang Instagram accoung ang updated version ng kanyang report.

Nang tignan namin ang comment section ay makikita anf pagsuporta ni Rodjun sa asawa.

“Yas Queen! Wife wife! Always proud of you!” comment nito.

Makikita rin na nag-comment si Dianne at sinagot ang isang netizen na nagsabing bakit hindi siya in-inform ng writer.

“Wala siya, pero anyway atleast lesson learned [not] to rely sa prompter at script,” sagot niya.

Sinabi pa ni Dianne na hindi raw niya nakikitang kahihiyan ang pagkakamali niya dahil may nag-comment na nag-trending siya sa kahihiyan.

“Never ko tinake na kahihiyan ‘coz I know God allowed this to happen so I will learn from this mistake. Unless ikaw perfect ka siguro, ako kasi hindi kaya okay lang magkamali,” giit niya.

Related Chika:
Dianne Medina sinupalpal mga laiterang netizen: Hintayin n’yo na lang kung pwede ko na ibalik katawan ko

Rodjun Cruz, Dianne Medina magiging mommy at daddy na: Honeymoon baby!

‘Dianne Medina forever kang magiging starlet!’

Cristy Fermin binalaan si Ronnie Liang: Mag-ingat ka sa pananalita mo

Read more...