Willie umamin: TV5 ang nagdesisyon na tanggalin na ang ‘Wowowillie’ | Bandera

Willie umamin: TV5 ang nagdesisyon na tanggalin na ang ‘Wowowillie’

Cristy Fermin - October 09, 2013 - 03:00 AM

Willie Revillame

Tatlong tulog na lang at huling pagkaway na ni Willie Revillame sa kanyang mga tagasubaybay sa Wowowillie. Sa ayaw at sa gusto ng kanyang mga tagasuporta ay huling araw na ng programa, kailangan na nilang mahiwa-hiwalay, ang hihintayin na lang nila ngayon ay kung kailan uli sila magkakasama-sama.

Tulad ng sinabi noon ni Willie, kapag nagtapos na ang kanyang show sa TV5 ay haharapin niya naman ang kanyang mga negosyo na nangangailangan ng kanyang personal na pag-aasikaso, hindi rin siya makapagpahinga dahil napakaraming trabahong naghihintay sa kanya.

“Gusto ko munang magpahinga dahil halos isang dekada na akong nagtatrabaho nang araw-araw. Hindi biro ang ganu’n, kinakain ng show ang maghapon mo. Kahit pa noontime ang show, kahit nasa primetime pa, ganu’ng effort pa rin naman ang ibibigay mo sa show,” paliwanag ni Willie.

Siguradong malulungkot ang aktor-TV host sa pagkawala ng kanyang programa, pero tanggap niya ang katotohanan na lahat naman ng bagay sa mundo ay may katapusan, hindi naiiba du’n ang kanyang show.

Mas gusto na lang niyang isipin ang magagandang oportunidad na ibinigay sa kanya ng TV5 sa loob nang eksaktong tatlong taon. Ayaw rin niyang magsabi kung meron na bang ibang network na nag-aalok sa kanya ngayon ng bagong programa.

“Sa huling meeting ng production, e, inulit ko sa kanila na walang iiyak sa last day namin, kailangang maging masaya ang pagpapaalam namin, hindi pa naman ito ang katapusan ng mundo para sa aming lahat.

“Gusto pa naming magpasaya ng mga kababayan natin, gusto pa naming makatulong, pero wala na kaming magagawa dahil network decision na ang tanggalin ang show,” sinserong pahayag ni Willie.

“You cannot put a good man down,” palaging itine-text sa amin ng mga tagasuporta ni Willie. At totoo naman na kapag meron kang magandang iniwanan ay may maganda ka ring babalikan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending