Kagaya ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) na ibinandera ang kanilang “price guide” para sa mga single na gusto pang magka-side hustle sa darating na February 14.
Kabilang na nga riyan ang taga-”ayieee”, tagahawak ng bulaklak, at kasabwat sa gagawing sorpresa.
Narito ang kumpletong listahan ng NWPC:
-
Tagabitbit ng pagkain – P129
-
Tagahawak ng flowers – P124
-
Kasabwat sa surprise – P299
-
Photo and videographer – P299
-
Taga-ayieee – P99
-
All-in-one package – P799
Naging mabenta naman kaagad ‘yan sa maraming netizens at tila nais na ring patulan ang kwelang “side hustle.”
Narito ang ilan sa mga nabasa namin komento:
“hahaha ayos to.. may other income.. Hehehe…”
“Pwede akong kasabwat sa surprise, best actor ako dati”
“Yung mga friends ko diyan, pag nakita niyo ko kasama jowa niyo, wag kayong magagalit. Naghahanap buhay lang ako [laughing emoji]”
May social media post din ang department of Health (DOH) at ibinandera ang ilang “tipid hacks” para sa Araw ng mga Puso.
Caption pa nila sa Facebook post, “Ngayong Valentine’s, hindi kailangang mahal ang magmahal!”
Heto, isa-isahin natin ang mga nilatag nilang praktikal at budget-friendly activities:
-
Ayain mo silang mag-date sa park. Bukod daw kasi sa libre, nakakatulong sa mental health ang pagpunta sa green spaces. Hirit pa ng DOH, “Ang malusog na mental health ay susi sa malusog na relasyon!”
-
Manood ng movie sa bahay. Hindi kailangan lumabas at gumastos para ipakita ang pagmamahal. Sapat na ang quality time!
-
Matuto ng bagong skills together. Tulad ng pagluluto ng masustansyang pagkain o bagong sports para maging fit and healthy together.
-
Magpa-booster na magkakasama. Libre lang ito at siguradong protektado ka at mga mahal mo sa buhay kontra COVID-19.
Related chika: