Melai pinepetisyon ng madlang pipol na isama sa ‘Dirty Linen’, hindi aatras sa challenge: ‘Ako yung basahan na mananakot sa inyo!’

Melai pinepetisyon ng madlang pipol na isama sa 'Dirty Linen', hindi aatras sa challenge: 'Ako yung basahan na mananakot sa inyo!'

Regine Velasquez, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros

PINEPETISYON ngayon ng madlang pipol ang Kapamilya TV host-comedienne na si Melai Cantiveros.

No, wala pong nagagalit o nangnenega kay Melai. Sa katunayan nagkakaisa ang Kapamilya viewers sa panawagang isali na ang komedyana sa pinag-uusapang serye ng ABS-CBN na “Dirty Linen.”

Request ng mga netizens, sana raw ay mapanood na rin nila ang wifey ni Jason Francisco sa pinagbibidahang teleserye nina Janine Gutierrez, Zanjoe Marudo, Francine Diaz at Seth Fedelin.

Sa katunayan, naging isa pa sa top trending topic sa Twitter ang pangalan ni Melai dahil sa dami ng nagkomento at nag-retweet ng mga post about her and “Dirty Linen.”

John Arcilla puring-puri si Francine Diaz: ‘Isa ka sa mga batang artista ngayon na gustung-gusto kong makasama’

Sa isang panayam, natanong ang komedyana kung ano ang reaction niya sa petisyon ng mga netizen na idagdag sana siya sa cast ng naturang Kapamilya series.

“Ay, grabe naman! Pwede, ako ‘yung dirty linen! Pero thank you naman sa mga netizens na pinapa-trending na naman nila ako,” birong tugon ng komedyana at TV host.


Ngunit kung sakaling alukin siya na mapasama sa kontrobersyal na TV series, tatanggapin daw niya ang challenge at gagawin ang lahat para mabigyan ng hustisya ang role na ibibigay sa kanya.

“Pero kung ganu’n hindi ko aatrasan ‘yung mga kuwan ninyo. Dahil kung ako ‘yung basahan, itong basahan na ito ang mananakot sa inyo. Char, char lang uy!” aniya pa.

Ano naman ang masasabi niya na palagi siyang trending sa social media? “Thank you Lord naman sa blessings. Si Lord ‘yan, kasi siya talaga ‘yung nagpapakuan sa mga netizens kaya thank you Lord. At least good vibes naman.”

Sa tagumpay na tinatamasa ngayon ng “Dirty Linen”, sumabay naman ang pagba-viral ng impromptu acting scene ni Melai kasama ang isa sa cast member ng “Dirty Linen” na si star Xyriel Manabat na kuha sa “Magandang Buhay.”

Mga bida at kontrabida sa ‘Dirty Linen’ bardagulan sa aktingan, Dolly de Leon agaw-eksena agad

Sinundan pa ito ng pagkalat ng video ng komedyana kung saan sumabak din siya sa isa pang acting challenge kasama naman si Angel Aquino napapanood din sa “Dirty Linen.”

Bukod dito, nagpasalamat din si Melai matapos umabot sa mahigit 1 million ang kanyang followers sa TikTok.

“Thank you sa inyuuuu. Labyuuuu. Kayu ang may gawa nyan at si Lord,” ang mensahe ni Melai na ipinost niya sa kanyang social media accounts.

Samantala, abot-langit din ang pasasalamat ng TV host sa mga nagbibigay ng endorsements sa mga anak nila ni Jason na sina Mela at Stela, kabilang na riyan ang isang international clothing brand.

“Thank you Lord na talagang merong nagta-trust sa kanilang dalawa. At ako naman bilang nanay pa lang sobrang blessed.

“Sobrang happy din ng mga ninang. Kami ni Jason, sobrang happy, thank you talaga Lord. Thank you sa mga nagtitiwala,” ani Melai.

Sey pa ng komedyana, “Ako sa mga anak ko kung may inquiry sa kanila tinatanong ko sila kasi ayaw kong napipilitan sila at gusto ko ‘yung pagkabata nila i-enjoyin nila and gusto naman nila.

“Lahat ng sinalihan nila ibig sabihin naka-approve ‘yun sa kanila,” dugtong pa niya.

At sa tanong kung papayag ba siyang mag-artista rin ang dalawang anak, “Kung talagang papalarin sila, kung pagbibigyan ng Panginoon na dito ilagay ‘yung journey nila sa show business.”

“Pero ang focus talaga nila is school, pero kahit papaano nakikitaan ko kasi na ini-invite-invite sila kasi natatawa mga tao sa kanila,” sabi pa ni Melai.

Francine Diaz, Seth Fedelin magtatambal sa seryeng ‘Dirty Linen’, comment ni Andrea Brillantes: Congrats!!!

Read more...