ITINALAGA ni Pangulong Bongbong Marcos si Bienvenido Rubio bilang bagong commissioner ng Bureau of Customs (BOC).
Inanunsyo ito mismo ng Presidential Communications Office sa isang Facebook post nitong February 10.
Papalitan ni Rubio si Customs Officer-in-charge Yogi Filemon Ruiz.
Bago maging hepe ng nasabing ahensya, dati nang nanilbihan sa BOC si Rubio bilang Assessment and Operations Coordinating Group officer-in-charge ng Port Operations Service.
Naging parte din siya ng Manila International Container Port-Customs Intelligence at Investigation Service.
Ilan lamang sa mga prayoridad ni Rubio ngayong hepe na siya ng BOC ay ang pagbabantay na hindi makapasok sa bansa ang mga “smuggled” o nakaw na mga produkto.
Mangongolekta din siya ng mga kita mula sa mga imported goods at pangangasiwaan ang galaw ng mga kalakal mula sa kargamento ng mga terminal.
Read more:
Bela naloka sa sistema ng Bureau of Customs: Hello! You guys, OK?
https://bandera.inquirer.net/294059/national-artist-bienvenido-lumbera-pumanaw-na-sa-edad-89