Miguel Benjamin Guico ng Ben&Ben ikinasal na kay Karelle Bulan

Miguel Benjamin Guico ng Ben&Ben ikinasal na kay Karelle Bulan

IKINASAL na ang vocalist-guitarist ng bandang Ben&Ben na si Miguel Benjamin Guico sa kanyang girlfriend na si Karelle Bulan.

Naganap ang kasal kahapon, Pebrero 10, base na rin sa naging Instagram story ng kanilang keyboardist na si Pat Lasaten kung saan makikitang nasa altar silang dalawa habang ibinabandera ang kanilang wedding rings.

Pagbabahagi pa nga ni Pat, first time raw niyang tumugtog sa isang kasal at ito pa ay kasal ni Miguel. Bagamat may nararamdamang pressure ay nagpasalamat itong naitawid niya ang pagtugtog.

Nag-post na rin ang guitarist at vocalist sa kanyang Instagram account at ibinandera na nga ang mga larawan na kuha sa kanilang kasal.

Saad ni Miguel sa kanyang caption, “Umaga na sa ating duyan. Sa hirap at ginhawa, lungkot at ligaya ikaw ang kasama.

“Ang aking mahiwaga.”

Ang kanyang caption ay mula sa kanilang kanta na “Araw-araw”.

Marami naman sa mga netizens at mga kilalang personalidad ang nagpaabot ng congratulatory messages kina Miguel at Karelle.

“Congrats, brother!!!!!!!!!” saad ni Paolo Valenciano.

Comment naman ni Krissy Achino, “OMG!!! Congratulations & best wishes, Miguel & Karelle! May God bless your married life. Love, love, love!”

“Congraaaaats and best wishes!!!!!” sey naman ni Jolina Magdangal.

Matatandaan na noong 2021 ay naibahagi ni Miguel sa kanyang interview sa “Tunay Na Buhay” ang ilang detalye sa kaniyang relasyon.

During that time raw ay nasa long distance relationship sila ni Karelle dahil medical student ang huli.

Related Chika:
Ilang miyembro ng Ben&Ben nag-positive rin sa COVID-19, concert sa Dubai hindi na muna itutuloy

Paolo Guico ng Ben&Ben ibinandera ang weight-loss transformation, matindi ang ginawang sakripisyo

Ben&Ben nakabalik na ng Pinas, kumasa sa ilang gigs bago ang ‘homecoming’ concert

#LoveWins: Agnes Reoma at Pat Lasaten ng Ben&Ben ‘en-gay-ged’ na!

Read more...