Ben Tulfo ipinagtanggol si Willie Revillame, nagbabala: Huwag nang hamunin ng giyera!

Ben Tulfo ipinagtanggol si Willie Revillame, nagbabala: Huwag nang hamunin ng giyera!

DINEPENSAHAN ng “Bitag Live” host na si Ben Tulfo si Willie Revillame matapos itong batikusin dahil sa diumano’y panunumbat nito sa mga taong dating natulungan.

Matatandaang naglabas ng saloobin noon ang host ng “Wowowin” patungkol sa isyung marami sa mga shows na umeere sa AllTV ang hindi na magpapatuloy sa pag-ere sa telebisyon.

Kaya naman to the rescue si Ben upang ipagtanggol ang kanyang kaibigan na “kawawa” na raw.

Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi nga niya ang kanyang pahayag patungkol sa pinagdaraanan ni Willie pati na rin sa mga taong pumupuna sa “Wowowin” host kalakip ang larawan nilang dalawa.

Panimula niya, “Mga putres ‘tong mga taong nagbubunyi at nasisiyahan sa pinagdadaanang hamon ng isang indibidwal – kilala o simpleng tao man.

“Nakakarelate ba kayo? Kayong mahihilig sa chismis at kabahagi ng buhay ay chismis sa buhay ng may buhay? Nagkita kami ng kaibigan kong si Willie Revillame kahapon – chance encounter lang.”

Sa isa pang hiwalay na post ay tinalakan ni Ben ang mga nagpapatutsada kay Willie.

Ani Ben, “Humingi na nga ng dispensa, pinagtutulungan n’yo pa rin!”

“‘Pag ang tao nagpakumbaba at humingi ng kapatawaran sa kaniyang pagkakamali, ‘wag na natin palawakin pa. ‘Wag na hamunin ng giyera baka kasi may pumasok na totoong mandirigma na kaibigan ni Willie. Ito’y paalaala lang naman, mamili na lang kayo!” dagdag pa ni Ben.

Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ang pagpapatutsada ni Willie matapos itong mapuno dahil aniya, palagi na lang daw siyang naaapi at tila marami pa ang natutuwa sa pinagdaraanan ng kanyang home network.

Isa nga sa nakasagutan niya ay ang kolumnistang si Cristy Fermin ngunit agad rin silang nagkaayos matapos ang kanilang maanghang na pag-uusap.

Ngunit hiling ni Cristy na huwag lang sa kanya humingi ng tawad si Willie bagkus sa iba pa nitong nasaktan na sina Ogie Diaz at Gab Valenciano.

Related Chika:
Ben Tulfo binanatan si Vice Ganda; tinawag pang ‘balimbing’ at ‘dilawan’

Willie winawasak ng mga taong natulungan noon: ‘May binigyan ako ng condo at kotse, ngayon tinawag pa akong mayabang’

Cristy Fermin: ‘Anong utang na loob ang dapat kong tanawin sa ‘yo? Magbilangan tayo Willie Revillame!’

Ogie Diaz ‘binanatan’ si Willie Revillame: Sana na-happy siya sa kanyang panunumbat

Read more...