Joshua ibinandera ang ‘matching bracelets’ nila ni Bella, magdyowa na nga ba?

Joshua ibinandera ang ‘matching bracelets’ nila ni Bella, magdyowa na nga ba?

PROUD na ibinandera ng aktor na si Joshua Garcia ang “matching bracelets” nila ng rumored girlfriend at social media influencer na si Bella Racelis.

Ang tanong tuloy ng madlang pipol, ito na kaya ang hudyat na mag-dyowa na ang dalawa?

Makikita sa Instagram Stories ni Joshua ang litrato ng beaded bracelets nilang dalawa at may background music pa ito ng kantang “Those Eyes” ng American pop band na New West.

Kalakip din niyan ang caption na, “Happy Birthday @thatsbellayt.”

PHOTO: Instagram Stories/@garciajoshuae

Agosto pa ng nakaraang taon nag-umpisa ang tsismis sa social media na may namamagitan sa dalawa.

Ilang beses silang spotted na magkasama at tila nagde-date, kabilang na ang magka-holding hands sa isang mall.

Samantala, nitong nakaraang Nobyembre ay nilinaw ni Joshua sa isang exclusive interview na siya ay “single” pa rin.

Ang vlogger naman ay nananatiling tahimik sa kabila ng mga usap-usapan, ngunit nitong Disyembre ay ibinunyag niya sa vlog ng aktor na si Luis Manzano na masaya naman ang kanyang puso.

Nitong Enero muling nabuhay ang “dating rumors” ng dalawa matapos mag-post ng solo pictures sa kani-kanilang Instagram account na tila parehong namamasyal sa Japan.

Kung titingnan kasi ay magkasunod silang nag-post na nasa Tokyo.

Kahit hindi nila ibinandera ang picture nila together ay maraming netizens ang nagsasabi na halatang magkasama sina Joshua at Bella.

Related chika:

Heart Evangelista ibinandera ang P100 bracelet na bigay ni Chiz Escudero

Read more...