Eula Valdes agaw-eksena sa presscon ng ‘Martyr or Murderer; Darryl Yap nakakaloka ang sagot tungkol kay Joel Lamangan

Eula Valdes agaw-eksena sa presscon ng 'Martyr or Murderer; Darryl Yap nakakaloka ang sagot tungkol kay Joel Lamangan

Darryl Yap at Eula Valdes

MABILIS na naging top trending topic ang bagong pelikula ni Darryl Yap na “Martyr Or Murderer” under Viva Films, sa Twitter Philippines kagabi matapos ilabas ang official trailer nito.

Bago ito in-upload sa mga social media accounts ng Viva Entertainment, una muna itong ipinalabas sa naganap na grand presscon ng pelikula.

Tulad ng inaasahan, iba’t iba ang naging reaksyon ng publiko at ng mga netizens nang mapanood ang mahigit dalawang minutong trailer ng “MOM”, ang part 2 nga ng controversial at blockbuster movie na “Maid In Malacañang.”

In fairness, shocked at talagang pinalakpakan ang trailer ng pelikula na pinagbibidahan pa rin nina Cristine Reyes bilang Imee Marcos, Ruffa Gutierrez as the former First Lady Imelda Marcos, Diego Loyzaga bilang young Bongbong Marcos at Cesar Montano na gumaganap bilang si dating Pangulong Ferdinand Marcos.


Wala sa presscon si former Manila Mayor Isko Moreno na gumaganap bilang Ninoy Aquino, Jerome Ponce as young Ninoy at Marco Gumabao bilang batang Ferdinand. Pero nandu’n naman ang former beauty queen at aktres na si Cindy Miranda who’s playing the young Imelda Marcos.

Super intense ang official trailer ng “MOM” kung saan mapapanood ang ilang  kaganapan matapos mapatalsik sa Malacañang ang pamilya Marcos. Bukod sa confrontation scene nina Imelda at Ninoy, may isa pang pasabog sa ending ng trailer.

Ito ay ang eksena kung saan ipinakita ang award-winning actress na si Eula Valdes na gumaganap naman bilang present Imee Marcos. Dito mapapanood si Eula as Sen. Imee na sinagot ang tawag ng kapatid na si Bongbong.

Eula naranasan ang matinding init habang nakamotor; mas bumilib sa mga delivery rider

“Oh, Bonget…” sey ni Eula. Hirit naman ng kausap niya sa telepono , “Imee, tingin ko…dinaya ako ni Leni.” Na sinundan nga ng napakalakas na hiyawan at palakpakan mula sa mga taong nasa presscon.

Ang pag-appear ni Eula sa “Martyr Or Murdurer” ay kumpirmasyon na ring magkakaroon nga ito ng third installment.

Showing na sa mga sinehan nationwide ang “Martyr Or Murderer” sa March 1 na inaasahang magiging blockbuster din tulad ng “Maid In Malacañang.”

Kasama pa rin dito sina Beverly Salviejo, Ella Cruz, Kyle Velino, Franki Russel at marami pang iba.

Eula sa paulit-ulit na role bilang inang nawawala ang anak: Walang maliit na role, nasa ‘yo na kung paano mo gagawing special

Samantala, sa naganap na presscon ng “MoM” natanong din si Darryl Yap kung ano ang masasabi niya na makakatapat ng obra niya ang “Oras de Peligro,” ang pelikula ni Joel Lamangan na pinagbibidahan nina Cherry Pie Picache at Allen Dizon.

Sa isang panayam, nabanggit ni Direk Joel na pawang katotohanan lamang tungkol sa nangyari sa EDSA People Power Revolution ang kuwento ng kanyang pelikula.

Aniya, ito raw ang sagot niya sa “Maid in Malacañang” na tumalakay nga sa huling tatlong araw ng mga Marcoses sa Malacañang noong February, 1986.

Sagot ni Direk Darryl sa tanong, “I was advised by my lawyers not to talk about people with less than one million followers. I rather not comment. Kapag po one million followers, I’ll comment na.”

Sunshine iyak nang iyak sa presscon; game pa ring magtrabaho kahit tinamaan ng COVID

Read more...