Joaquin Domagoso sa hindi muna pagpapakasal kay Raffa Castro: You’re not supposed to force it

Joaquin Domagoso sa hindi muna pagpapakasal kay Raffa Castro: You're not supposed to force it
NILINAW ng anak ni Isko Moreno na si Joaquin Domagoso na hindi niya itinago kailanman na magiging ama na siya dahil nagbunga ang pagmamahalan nila ng girlfriend niyang si Raffa Castro.

Matatandaang hindi naman kasi agad napabalita ang pagdadalangtao ng kanyang kasintahan at lumabas lang na ganap na silang mga magulang dalawang buwan matapos isilang ni Raffa ang kanilang anak.

At sa kanya ngang panayam sa “Fast Talk with Tito Boy” nitong February 8, ay nagkuwento na siya ukol rito.

“I told many people. I trusted a lot of people… I wasn’t trying to hide it. I was just hiding it from my fans. But the people who love me, they knew,” pagpapaliwanag ni Joaquin.

Natanong rin siya kung ano ang kanyang naging reaksyon nang malaman niyang magkakaroon na sila ng anak ni Raffa.

Sagot ni Joaquin, “Una po, hindi ko po siya napi-feel, as in sa akin lang, natutuwa lang po ako talaga. In my mind, I was just so happy I’m gonna be a dad.

“Pero yung pressure na papunta na ako, as in nandun na talaga, it only realized to me, like, eight months or nine months. Grabe, the responsibilities… talagang iiyak na ako.”

Inamin rin ni Joaquin na nakaramdam siya ng takot sa pagkakaroon ng anak.

“Natakot po ako kasi I’m so young and ano mabibigay ko sa anak ko at this age, and ano mangyayari sa career,” pagbabahagi niya.

Ngunit kung nakaramdam si Joaquin ng takot, ang ka yang ama raw ay sumayaw pa.

Super supportive raw ang kanyang ama kaya naman napawi ang lahat ng nadarama niyang takot na baka magalit ang mga ito sa kanya.

“Si Mommy wala siyang masabi. The moment she found out, naglilinis na siya, nag-i-scrub na siya ng dishes, nagsasalita na kami ni Papa, nagkukuwentuhan na kami about sa future namin, bigla na lang pumasok si Mommy, ‘Walang magkakasal,'” lahad ni Joaquin.

Tinanong pa niya ang ina kung bakit hindi sila maaaring magpakasal ngunit siya raw ang dahilan.

Ipinaliwanag naman ni Joaquin na consensual daw ang desisyon nila ni Raffa na huwag munang lumagay sa tahimik kahit may anak na sila.

“It’s not that we’re deciding or not deciding, that’s the whole beauty about it, e. The moment that you decide and not decide something, mawawala yung question when I do ask or if I do ask.

“Because we’re smart, we’re new generation po, and nakakaisip na po kami na parang hindi lang po dahil may anak na po kayo, magpakasal na po kayo,” sey ni Joaquin.

Dagdag pa niya, “You have to really fall in love with each other. You really have to get that marriage there kasi dun talaga mapu-fruit yung anak mo. And you’re not supposed to force it din, e.”

Nilinaw naman ng aktor na “in love” sila ni Raffa sa isa’t isa ngunit agree siya kay Tito Boy na ang kasal ay pinaghahandaan.

“You just can’t decide, like, I’ll do this tapos magpapakasal na kami bukas. Gusto ko yung parang pinaplano pa namin, talagang three years, ina-anniversary ko pa siya, binigay ko ng ring… you get me?” saad ni Joaquin.

Pagpapatuloy niya, “I don’t wanna do it just because may anak na kami kasi kawawa naman si Raffa nun, you know. Kawawa naman sa kanya if all… the reason why na pinakasalan ko siya is dahil may anak lang kami. Di ba, dapat nagpapakasal ka kasi mahal mo yung tao?”

Related Chika:
Isko Moreno isa nang ganap na lolo, may apo na kay Joaquin Domagoso

Joaquin Domagoso ‘Hakot King 2022’, nanalo ng mga awards sa iba’t ibang international filmfest

Joaquin Domagoso hindi pa pakakasalan si Raffa Castro: Wala pa akong pera! Kailangan pang mag-ipon

Raffa Castro umamin na sa pagbubuntis, ipinasilip ang maternity photos

Read more...