David Licauco hindi pa handang magpakasal kaya nagkahiwalay ng dating dyowa; iniyakan ang ex-GF na taga-ABS-CBN
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
David Licauco at Barbie Forteza
SHOOKT ang Kapuso hunk actor na si David Licauco nang ibuking mismo ni Boy Abunda ang ilang detalye tungkol sa kanyang lovelife.
Sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda”, napag-usapan ang relationship status ng binata kung saan inamin nga nitong single na single siya ngayon at walang dyowa.
Unang tanong ni Tito Boy kay David, “Are you single now?” Na sinagot agad ng aktor na, “Yes, I’m single.”
Ngunit pagkontra ng TV host, “Hindi naman ako naniniwala, nagkabalikan kayo, e.”
“Hindi, hindi kami nagkabalikan,” ang sabi naman ni David na halatang nagulat na alam ng TV host ang nangyari sa kanya ng girl at kilala pa niya ito.
Pambubuking pa ni Tito Boy, “I know you’re separated. Naghiwalay kayong dalawa and then ang alam ko, there was another guy involved na kilala nating dalawa.
“Was that the reason, David, why you got back?” sunod na tanong ni Tito Boy.
Shocked na sagot ni David, “Wait lang, first of all, bakit alam niyo yan? But, yeah, I would say that was the reason behind the breakup. I mean, among other things, ayun yung pinaka-main reason.”
Sabi pa ni Tito Boy, gusto na raw noon ng dating dyowa ni David na magpakasal pero hindi pa raw ready ang binata.
Pag-amin ni David, “Yeah, I’m not ready. Because go-getter kasi ako and mas gusto ko yung career muna, and siya kasi nasa stage na siya ng…wait lang, hindi ko gets kung bakit alam!
“Bakit? Parang wala naman akong sinabihan,” ang nagtataka pang sey ni David.
Pagpapatuloy pa niya, “Nagkabalikan kami pero nag-decide kami na maghiwalay na.”
Samantala, ibinuking din ni Tito Boy ang naging relasyon ni David sa isang young actress noong nasa ABS-CBN pa ito. May iba nang dyowa ngayon ang nasabing aktres.
Sa isang panayam noong 2018, inamin ng binata na nagkadyowa siya na taga-ABS-CBN at tumagal sila nang halos isang taon.
“Taga-ABS siya. So, di ko siya kaya. Wala, it’s hard. May love team. Siyempre, at the time, hindi pa ako artista, hindi pa marunong i-handle. Pero siguro now, okay lang.
“Sobrang umiyak ako nu’n. Pero siyempre once na-accept mo naman na yung fact kung bakit wala na. Ganu’n naman yun, e.
“Meron akong nakitang quote, sabi, ‘It’s not about moving on, it’s about acceptance.’ Kapag na-accept mo na, okay ka na,” aniya pa.