Batch 2023 ng Bb. Pilipinas pageant ‘beauty and brains’ | Bandera

Batch 2023 ng Bb. Pilipinas pageant ‘beauty and brains’

- February 07, 2023 - 04:30 PM

2023 Bb. Pilipinas pageant

Ang 35 sa 40 opisyal na kandidata ng 2023 Bb. Pilipinas pageant/ARMIN P. ADINA

OPISYAL nang nagsimula ang pageant season sa bansa nang makilala na ang mga aplikanteng nakapasa sa final screening ng 2023 Binibining Pilipinas competition noong Peb. 6 sa New Frontier Theater sa Araneta City sa Quezon City.

 

Mas tumagal ang final screening session kaysa noong nagdaang dalawang edisyon, ngunit nagbunga naman ito ng hanay ng mga kandidatang may “beauty and brains,” sinabi sa Inquirer ni Raymond Villanueva, member ng Bb. Pilipinas Charities Inc. (BPCI) Executive Committee.

 

“This is one of the most intelligent batches. Everyone was just so confident, no buckle, no nothing,” pagpapatuloy pa niya. Ilang dekada na si Villanueva sa organisasyon, at laksa-laksang aplikante na ang nakilatis niya, lahat naghahangad na mapabilang sa pinakamatagal nang national beauty pageant sa Pilipinas.

 

Raymond Villanueva

BPCI Executive Committee member Raymond Villanueva/ARMIN P. ADINA

 

Sinabi ni Villanueva na sa pagdaan ng panahon, napapansin niyang mayroong “dating” na nagpapaangat sa isang aplikante. “When you come in you know that she is ‘Binibini,’” ibinahagi niya. At tungkol naman sa mga itinuturing na malalakas na kalahok na hindi napipili, sinabi niyang “destiny” ito.

 

Para sa final screening, kalahati ng iskor nagmula sa “beauty of face,” habang 30 porsyento naman ang mula sa “body figure. Tig-10 porsyento naman ang “poise and personality” at “intelligence.”

 

Jessilen Salvador

Bb. Pilipinas candidate na si Jessilen Salvador, kapatid ni Maja Salvador /ARMIN P. ADINA

 

Sa pagtatapos ng final screening, ipinakilala ng BPCI ang 35 aplikanteng nagtagumpay at napabilang bilang mga opisyal na kandidata. Limang aplikante ang idinagdag makaraan ang halos isang oras mula nang ilabas ang unang talaan. Kabilang sa mga idinagdag na kandidata ang kapatid ng aktres na si Maja Salvador na si Jessilen Salvador mula Aklan.

 

Hindi sinabi ni Villanueva kung ilang titulo ang paglalabanan ngayong taon, at sinabing abangan na lang ang coronation night na pansamantalang itinakda sa Mayo. “That’s the only time we’ll know,” aniya.

 

Dumalo sa final screening lahat ng apat na reigning queens—sina Bb. Pilipinas International Nicole Borromeo, Bb. Pilipinas Intercontinental Gabrielle Basiano, Bb. Pilipinas Globe Chelsea Fernandez, at Bb. Pilipinas Grand International Roberta Angela Tamondong.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinamahan ni second runner-up Stacey Daniela Gabriel ang mga reyna niya, ngunit wala na naman si first runner-up Herlene Nicole Budol.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending