Kuya Kim inokray ng mga fans ni Donnalyn Bartolome, tinawag na papampam: ‘Sawsaw pa more!’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Donnalyn Bartolome at Kim Atienza
NA-BASH nang bonggang-bongga ang Kapuso TV host na si Kim Atienza nang magkomento siya sa Facebool Live ng controversial content creator na si Donnalyn Bartolome.
Hindi nagustuhan ng mga netizen ang pagsawsaw umano ng Trivia Master sa panibagong issue na kinasasangkutan ni Donnalyn nang dahil sa naging pahayag niya hinggil sa isang nanay na inaatake ng insecurity.
Sinagot kasi ng actress-singer ang isa niyang socmed follower nai-insecure sa kanyang itsura matapos manganak.
Sabi ng nasabing fan, “Grabe sobrang ganda niyo po. Nakaka-insecure po talaga, lalo pag tumitingin na ako sa salamin after birth (sad face emoji).”
Ang sagot sa kanya ni Donnalyn, “Mommy isipin mo na lang binuntis ka… sobrang ganda mo siguro. Ako walang bumubuntis.
“Parang talo mo ko sa ganda wag ka na ma-insecure diyan ha… I’m sure maganda ka, smile ka na,” ang payo sa kanya ni Donnalyn.
Makikita naman sa recorded video ng Facebook Live ni Donnalyn ang comment ni Kuya Kim na, “Hope is all well.”
Dahil nga rito, nakatikim ng pang-ookray at pambabara si Kuya Kim mula sa mga fans ni Donnalyn na tinawag pa siyang epal.
“Kuya Kim Atienza papampam!”
“Kuya Kim Atienza tengene HAHAHAHA.”
“Sawsaw pa more.”
Nauna rito, inakusahan din ng mga netizens si Kuya Kim ng pagiging “certified sawsawero” dahil sa pagkokomento at pagla-like sa mga kinasasangkutang issue nina Karylle at Vice Ganda, na dati niyang mga kasamahan sa “It’s Showtime.”
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang reaksiyon, si Kuya Kim.