Marjorie Barretto kontra sa pagpasok sa showbiz ng anak na si Leon: ‘Oh, my God! Please, I don’t like!’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Leon Barretto at Marjorie Barretto
KUNG si Marjorie Barretto ang masusunod, hindi siya papayag na mag-artista ang nag-iisang anak niyang lalaki na si Leon Barretto.
Yan ang sinabi ni Marjorie sa YouTube vlog ng kanyang anak na in-upload noong February 3, 2023. Sa mga hindi pa aware, si Leon ay ang bunso sa tatlong anak ni Marjorie sa dating asawang si Dennis Padilla.
Kapatid ni Leon sina Julia Barretto at Claudia Barretto. May dalawa pang anak si Marjorie, si Dani Barretto na anak niya sa aktor na si Kier Legaspi, at si Erich, na anak naman niya kay former Caloocan City Mayor Recom Echiverri.
Natanong ni Leon ang kanyang nanay sa kanyang YouTube video kung ano ang maipapayo sa kanya kapag naka-graduate na siya sa college. Marketing ang kurso ni Leon sa University of Asia and the Pacific.
“Getting to medical school. I can’t imagine you in the outside world. I can’t imagine you after college,” ani Marjorie sa anak.
Sunod na tanong ni Marjorie kay Leon, “What do you plan to do?” “I don’t know. But I have a question. If I become an artista,” reply ni Leon na kinontra agad ni Marjorie. Aniya, “Oh, my God, please. I don’t like.”
“Hindi ko talaga gusto. Kapag naiisip ko si Leon mag-aartista, talaga yung katawan ko nire-reject niya,” sey pa ni Marjorie.
“Hindi talaga, Leon. Alam mo, honestly, kami lahat ng kapatid mo kapag sinasabi mo mag-aartista ka, we’re one. We’re like, ‘No way!’
“Definitely they’re all very good people,” chika pa ni Marjorie tungkol sa showbiz people. “But I’m just saying I would like to see the second batch of my children outside of the industry,” sabi pa ni Marjorie.
Ang second batch na tinutukoy ni Marjorie ay sina Leon at Erich, “I wanna see you into business. I wanna see you in a different path. And ang galing-galing mo sa school. Takot ako na baka pag pumasok ka, bigla kang mag-stop mag-school. Wag na.”
Pinayuhan pa niya ang anak about love, “Speak kindly. Words are really powerful. How you treat your wife will also determine what kind of life you want in your family.
“Kailangan yung words that bring life to her. Hindi yung parang dina-down. Kahit pag irritated ka, hindi yung bastos yung pagkasabi mo.
“You never, never hit women, not even to push women. Not even like galit ka lang na natulak mo. Umpisa na yan. That’s the beginning of the end,” sey ni Marjorie.
Advice naman niya sa mga anak na babae, “Kapag may boyfriend ka, tapos nag-away kayo, tapos nabuhatan ka ng kamay even just the slightest, that’s it. Talagang red flag yon. Hindi yan magbabago.”