Judy Ann Santos, Sam Milby muling magtatambal, bibida sa bagong horror movie

Judy Ann Santos, Sam Milby muling magtatambal, bibida sa bagong horror movie

Judy Ann Santos at Sam Milby

BALIK-TAMBALAN sina Judy Ann Santos at Sam Milby na huling napanood sa teleseryeng “Huwag Ka Lang Mawawala” kasama si KC Concepcion noong 2013 handog ng Dreamscape Entertainment.

Ten years after ay heto at gagawa ng pelikula ang dalawa na base sa post ng manager ng aktor na si Erickson Raymundo sa Facebook account nito.

“One of my favorite teleseryes of Sam was Huwag Ka Lang Mawawala with the one and only Queen of Drama Judy Ann Santos. And now I’m thrilled to see them working together again this time on a big screen.

“Filming soon. A horror story movie directed by Rahyan Carlos. Written by Rahyan Carlos and Ricky Lee. Produced by Happy Karga Productions,” aniya pa.

Anyway, huling pelikulang napanood si Juday ay sa “Mindanao” na kasama sa Metro Manila Film Festival 2019 kung saan nanalo siya ng maraming awards — local and international.

Si Sam naman ay napakinggan ang boses sa animation movie na Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story noong 2020 na napanood sa Netflix.

Base naman sa post ng direktor na si Rahyan Carlos ay sa Canada ito kukunan.

“HappyKarga Films & AMP Studios Canada first film venture for 2023! We just finished our pictorial, look test and cam test.

“Thank you to my lead actors Judy Ann Santos Agoncillo & Sam Milby! Thank you to my partner in HKF Joy Mangilit Tarce! And most specially my gratitude to our executive producer Rechelle Everden of AMP Studios Canada for making this happen! And ofcourse to my kickass production staff in HappyKarga Films maraming salamat sa inyo!

“Abangan!!! #happykarga #happykargafilms #ampstudioscanada #judyannsantosagoncillo #sammilby #rechelleeverden #joytarce #looktest #camtest #pictorial #cmbfilms #filmingsoon,” ang sabi pa sa post.


Samantala, excited din si Sam sa muli nilang pagtatambal ni Juday kaya looking forward siya rito lalo’t sa ibang bansa ito isu-shoot refreshing ang dating.

Kilalang mapili ang aktres sa mga nakakasama niya sa trabaho at pati sa projects dahil gusto niya sa pagbabalik niya ay maganda talaga ang materyal tulad ng pelikulang “Mindanao” na napanood namin at deserving talaga siya sa mga natanggap niyang awards bilang best actress.

Going back to Sam ay wala naman kasing maipipintas sa aktor na ito kaya lahat ng nakatrabaho niya ay iisa ang masasabi, mabait, gentleman, generous at giving.

Matagal na rin naming kilala ang aktor, 15 years na and counting, nakakainis nga perfect talaga.

Kaya naman puring-puri siya parati ng manager niyang si Erickson dahil kahit nasa rurok ng kasikatan niya noon ang aktor ay ni minsan hindi nagbago ang ugali kaya naman blessed talaga si Samuel.

Willie sa bashers ng Wowowin at ALLTV: ‘Parang natutuwa pa kayong mawawala ang mga show na nagbibigay ng tulong at saya’

Read more: https://bandera.inquirer.net/338376/willie-sa-bashers-ng-wowowin-at-alltv-parang-natutuwa-pa-kayong-mawawala-ang-mga-show-na-nagbibigay-ng-tulong-at-saya#ixzz7sR7Ib9Di
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook

Judy Ann Santos tigil muna sa cooking vlogs dahil sa pagtaas ng bilihin: Ayokong hindi maka-relate ‘yung viewers

Sam Milby excited nang pakasal at magka-baby kay Catriona Gray: Hintayin n’yo lang, masu-surprise rin kayo!

Sikat na celebrity may hugot sa kilalang aktor: Ang hilig niyang mamikon, tapos siya pikon!?

Hugot ni Catriona ngayong b-day ni Sam: So sad I can’t be with you today

Read more...