Love story nina Sheryn Regis at Mel de Guia nagsimula sa ‘pagkain’: ‘Sabi ko ‘scam’ yata ito…’

Love story nina Sheryn Regis at Mel de Guia nagsimula sa 'pagkain': 'Sabi ko 'scam' yata ito...'

Mel de Guia at Sheryn Regis

NAKAKA-INSPIRE at nakaka-in love naman pala talaga ang love story nina Sheryn Regis at Mel de Guia.

Knows n’yo ba na nagsimula pala ang kuwento ng kanilang pagmamahalan sa pagkain? Yan ang ibinahagi nina Sheryn at Mel sa “Magandang Buhay” nitong nagdaang Biyernes.

Sa simulang bahagi ng programa, sinabi ng singer na tanggap na tanggap siya ng kanyang pamilya at ang desisyon niyang makipagrelasyon sa kapwa niya babae.

“Hindi ako nag-try at hindi ko na rin dinenay kung sino at ano ako. Tanggap ako ng pamilya ko ng buong puso.

“At siyempre kung pag-ibig ang pag-uusapan, minsan ay pag-ibig mo rin ‘yan sa sarili mo na ibinigay mo,” pahayag ni Sheryn.

Sabi naman ni Mel, more than one year na ngayon ang relasyon nila ni Sheryn at nagsimula nga ang lahat nang umorder ito sa kanya ng pagkain na siya niyang negosyo.

“Hindi pa ako naniniwala at first, kasi Sheryn Regis. Sabi ko ‘scam’ yata ito kasi hindi ka naman mag-iisip na oorder siya. The rest is history na, ako ang na-order,” pagbabahagi ni Mel.


Matatandaang noong December, 2021 nang ipakilala ni Sheryn si Mel sa madlang pipol.

Noong September, 2022 niregaluhan ni Mel si Sheryn ng singsing para sa kanilang first anniversary. Sa pamamagitan ng Instagram pinasalamatan ng singer ang kanyang dyowa sa patuloy na pagmamahal nito sa kanya.

“Langga (love) @meldeguia_ My heart leaps with joy and excitement because of this beautiful surprise [first] anniversary gift but most of all I am grateful.

“I have a lot of words to utter from my heart to thank you for everything that you have done for me.

“Thank you for the unconditional love. First year of being together speaks a lot of love, happiness, tears and joy of the challenges we encountered in our everyday lives.

“I thank the Lord for giving me YOU. I love you more and more each day,” mensahe ni Sheryn kay Mel.

Sheryn Regis umamin na sa relasyon nila ni Mel de Guia; binati ni Ice Seguerra

Sheryn Regis naiyak sa Showtime; may ‘hugot’ sa pag-ibig?

Sheryn Regis pinayuhan ni Cristy Fermin sa pagiging ‘PDA’ sa dyowa: Decency!

Read more...