TILA nabahala ang kolumnistang si Cristy Fermin matapos makarating sa kanya ang pagpunta ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa isang sikat na theme park sa Amerika.
Sa latest YouTube segment na “Showbiz Now na!” kasama sina Rommel Chika at Wendel Alvarez, pinag-usapan nilang tatlo ang naging hinaing ng madlang pipol tungkol sa kalagayan ni Kris.
Unang sinabi ni Cristy na lubos siyang natutuwa dahil mukhang lumalakas na ang TV host mula sa kanyang sakit, ngunit may iilan nga daw na hindi nagustuhan ang pamamasyal nito kasama ang mga anak.
Kung maaalala, noong January 28 nang mag-post ang dating TV host at sinabing tinupad niya ang kanyang pangako sa panganay niyang anak na si Josh na bisitahin ang tinaguriang “Happiest Place on Earth,” ang Disneyland.
Sey ni Cristy, “‘Nung una, natuwa po ako kasi siyempre ilang buwan na ngayon na si Kris Aquino ay nakatayo na, nakabiyahe na at pumunta ng Disneyland kasama ang kanyang mga anak.”
Patuloy pa niya, “Nakakatuwa po ‘yun sa isang banda dahil parang dininig ang ating panalangin.
“Kaya lamang nang makita ko na at marinig ang opinyon ng mga kababayan katulad ‘nung, ‘kung mahal niya ang kanyang sarili, dapat pinanindigan niya, dapat kung mahal man niya si Josh at si Bimby, mas minahal niya ang kanyang sarili.’”
Sumang-ayon naman si Rommel sa sinabi ni Cristy at sabay sabing, “Dapat ganun kasi sinabi mo nga sa sarili mo na gusto mong mabuhay para sa mga anak mo, dapat alagaan mo ang sarili mo dahil nga gusto mong mabuhay.”
Nakuha pang idetalye ni Cristy ang ilan sa mga napansin ng ilang netizens matapos makita ang video ni Kris na nasa Disneyland.
Chika ng kolumnista, “Kasi po, ang pinansin ng ating mga kababayan ay kung bakit namasyal siya sa isang place na napakaraming tao. Alam naman natin, banyaga at lokal ng Amerika, doon po talaga nagkikita-kita at nagsasama-sama kasi nga happiest place on earth.”
“At nakita rin po siya na walang face mask. ‘Yun naman ang iniintindi nila,” aniya.
Sabi pa ni Rommel, “Ang papasok sa isip mo e diba nga prone nga siya sa pagkakasakit at sa kung ano-anong mga pollen, pollen na mga ganyan diba…at hindi pa nagsisimula ang gamutan.”
Singit naman ni Cristy, “Puro pagpapa-test lang muna tapos nakita po natin na sabi nga ni Wendell ay sumakay pa ng rides at lumalakad siya, maayos, pag napapagod ay nauupo.”
“Hindi po sanay ang mga kababayan sa ganung kaiksi na timelapse. Three days lang kasi. After niyang mag-post ng sulat sa kanyang dakilang ina, sumunod po agad ‘yung Disneyland. Sana pinatagal ng kaunti,” dagdag niya.
Nagkomento rin sila tungkol sa paghingi ng dasal ni Kris upang gumaling, pero base raw sa mga nakikita ng netizens ay hindi rin niya tinutulungan ang kanyang sarili.
“At tsaka ‘yung mahirap diyan, humihingi siya ng prayer warrior para gumaling siya tapos ito nagha-happy happy edi siyempre ano ang sasabihin? ‘Humihingi ka ng dasal tapos anduayn ka pala, naglalakwatsa ka’,” sey ni Wendel.
Patuloy naman ni Cristy, “Kumbaga, you’re always asking for prayers at tayo naman, ang mga kababayan natin na nagmamahal sa kanya, lahat ng panalangin ay binibigay. Pagkatapos biglang nakita after three days, nandoon siya sa Disneyland.”
Dagdag niya, “Pero hindi po lahat kasi ay makakaunawa, hindi po lahat makakaintindi na tatlong araw po pagkalipas ‘nung kanyang pagsusumbong ng kanyang sakit na konting kibot lang o konting galaw niya ay para nang iniipit ang kanyang mga buto sa sakit na hindi na niya malaman ang buong katawan niya ay talagang punong-puno ng pasa.”
“In three days e, ‘yun lang, ang time element. Doon lang siguro nagkaroon ng problema. Pero ‘yung kagustuhan natin na makatayo si Kris, gumaling siya, magpunta siya sa Disneyland o kahit saan pa, gusto natin ‘yun,” aniya.
Bingyang-diin din ng kolumnista ang hindi pagsusuot ng face mask ni Kris na talaga namang delikado sa mahina niyang kalusugan.
“‘Diba kahit saan may reminder, gumamit ng face mask kasi hindi pa rin tayo nakakasigurado sa ating kapaligiran tapos Disneyland? Nuknukan ng dami ng mga tao, puntahan ng mga turista tapos lumalakad siya wala siyang face mask ‘diba,” saad ni Cristy.
Patuloy pa niya, “Kumabaga ang sabi ng marami, lalo na ng mga hindi nakakaintindi sa kanya, kung minsan tuloy ang hirap na niyang unawain. Humihingi na siya ng dasal pero totoo naman po kasi na nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.”
Aniya, “Nasa atin po ang lubos na pag-iingat. Hindi po porket na nananalangin tayo e ibibigay na po sa atin ang hiling. Tayo pa rin ang unang-unang mag-aalaga sa ating sarili.”
Related chika:
Kris Aquino tinupad ang promise kay Kuya Josh, rumampa sa Disneyland