USAP-USAPAN ang post sa official Facebook page ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ukol sa pa-survey nito sa buhay pag-ibig ni Arnell Ignacio.
Marami sa mga netizens ang nagpahayag ng kanilang pagkadisgusto sa naturang post lalo na’t hindi naman ito parte ng mga serbisyo at mandato ng isang ahensiya ng gobyerno.
Si Arnell kasi ang kasalukuyang Executive Director Administrator V matapos siyang italaga ni Pangulong Bongbong Marcos noong Agosto 2022.
Ang naturang “survey” ay ipinost noong January 21.
Ang lalandi nyo dyan sa OWWA. Charot! pic.twitter.com/umSBzWPpHC
— Charot! (@IamCharotism) February 1, 2023
“Mga Kabayan OFWS payag ba kayo muling mag mahal ang puso ni OWWA Admin Arnell Ignacio [?] Kaya comment na type YES kung payag kayo. Type NO naman kung hindi,” ayon sa post na sa ngayon ay burado na.
Umani ito ng samu’t saring komento mula sa publiko at kumalat na nga sa Twitter ang screenshot ng naturang post.
Comment ng isang netizen, “Wala bang sariling account si Arnell Ignacio at mukhang ginagawa niyang personal account yung Facebook Page ng OWWA?”
“Bakit?! At sa official social media page pa ng OWWA? Bakit ganito ang government officials natin sa gitna ng kalunos-lunos na sinapit ng isa nating kababayan sa Kuwait,” saad ni Raffy Magno.
“What? Arnell Ignacio using his office officially for personal use? Unacceptable! Unprofessional!” sey naman ng isa pang netizen.
At nito ngang Miyerkules, February 1 ay naglabas ng official statement ang ahensya patungkol sa isyung ito.
“The FB post containing the personal concerns of the OWWA Administrator (Arnell Ignacio) was errouneously posted on the Official Facebook Page of OWWA,” saad nito.
Nagsalita na rin ang OWWA Administrator patungkol sa mga posts sa official FB page na wala namang kinalaman sa ahensya at sinabing napagsabihan na ang social media manager.
“Basta what I promise you, the group taking care of our social media page, they could be reorganized. Kasi meron kaming nakasama na super aggressive eh, super aggressive kasi nga gusto ko na ‘yong aming social media page eh maka-sabay ba, makasabay sa bilis ninyo [media],” saad ni Arnell sa mga reporters.
Dagdag pa niya, “Aba’y pati pala love life ko’y nilagay doon, pati kung ano-ano nilagay. Oo, pati love life ko nilagay, this young, aggressive social media practitioner was reprimanded already, it was only good intention sana kaya lang nilagay niya sa official page ng OFWs.”
Related Chika:
Arnell Ignacio itinalagang OWWA administrator ni PBBM, pero naka-quarantine ngayon matapos tamaan ng COVID-19
Arnell Ignacio binanatan si Kim Chiu: Get a spokesperson for youself!