Sirene Sutton bumabandera pa rin sa pagmomodelo makalipas ang isang dekada

Sirene Sutton bumabandera pa rin sa pagmomodelo makalipas ang isang dekada
NAGMOMODELO na si Sirene Sutton bago pa man maging first runner-up sa unang Miss Global Philippines pageant noong 2014. At patuloy pa rin siya sa pagmomodelo hanggang ngayon, naging isa na rin sa suki sa runway, at maging sa print at TV ad campaigns.

Nakausap ng Inquirer ang 28-taong-gulang na top model kamakailan sa “launch party” na idinaos ng NuSkin sa Exquadra Tower sa Ortigas Center sa Pasig City upang talakayin ang dekada niyang karera sa industriya ng fashion at modeling.

Inamin niyang “religious” siya sa skin care regimen niya. “Because of my age, I feel like I have to be consistent in terms of my skin care,” ani Sutton.

Hindi naman umano siya nahihirapang sundin ang skin care regimen niya. Nito ngang ngdaang Kapaskuhan kung kailan kabi-kabila ang parties ng mga tao, halos nasa loob lang siya ng bahay.

Lumabas lang siya noong mismong Araw ng Pasko na upang makipagsalo-salo sa pamilya at mga kaibigan. “I also had time doing my skin care. I really enjoyed it because I got to spend it with the people I love,” ibinahagi ni Sutton.

Sinabi niyang naglalagay pa rin siya ng make up tuwing lumalabas, ngunit tinitiyak niyang matatanggal ito bago gawin ang routine niya. “Just be consistent, and use less products. Because the simpler the skincare the more your skin is gonna feel good,” ani Sutton.

At sa mga naghahangad na makapasok sa mundo ng modeling, narito ang payo niya: “Just always work hard, and stay kind, and always be humble and never forget where you came from. Keep going to the castings and fittings.”

Other Chika:
Jolina, Marvin nag-foodtrip sa Singapore, netizens kinilig: ‘The best love team in the 90s’

Barbie ikinumpara ni Diego kay Teresa: She’s maternal, sobrang caring niya like a mom!

Maxene nag-share ng 5 ‘skincare resolution’ para mas maging fresh ngayong 2023: ‘Give yourself more love this year’

Bitoy halos 3 dekada na sa GMA: Basta you care about each other, hindi mo pipiliin na umalis pa

Read more...