NAGSANIB-PWERSA na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at University of the Philippines (UP) Law Center para tulungan ang mga pamilya na hindi sinusustentuhan ng mga magulang na nasa ibang bansa.
Ang nabuong partnership ay para mapabilis ang proseso sa ilalim ng programang “Convention on the International Recovery of Child Support and Other Forms of Family Maintenance.”
At kabilang na riyan ay ‘yung karapatang makuha ng mga naiwang anak ang financial o child support mula sa kanilang foreign o Filipino parents overseas.
“With this Convention in place, we will be able to assist the families to locate, apply, process, and claim child support for the left-behind child or children from his or her foreign parent or Filipino parent residing outside the Philippines,” sey ni DSWD Officer-in-Charge Eduardo Punay sa naganap na signing ceremony.
Dahil sa programa, pwedeng dumulog sa DSWD upang humingi ng tulong na hanapin ang kanilang asawang dayuhan o Pilipino sa ibang bansa para makuha ang financial support.
Gayundin sa foreign nationals na nais mahanap ang kanilang pamilya na naninirahan dito sa Pilipinas upang makapagbigay ng suporta ay pwede silang lumapit sa kanilang respective central authorities.
Nangako ang UP Law Center na tutulong sila sa aplikasyon na nangangailangan ng legal assistance.
Nangyari ang signing ceremony noong January 30 sa UP Diliman College of Law.
Read more:
Erwin Tulfo may babala sa mga ayaw magsustento sa mga anak: Sa korte ang bagsak mo