Kim Atienza sinabihang ‘sawsawero’ ng netizens, male version raw ni RR Enriquez

Kim Atienza sinabihang 'sawsawero' ng netizens, male version raw ni RR Enriquez
NADAMAY nang hindi sinaadya si Kim Atienza nang sumawsaw ito sa issue between Karylle and Vice Ganda sa “It’s Showtime”.

Nag-comment kasi ito “@anakarylle is one of the kindest souls I know in showbiz. She will never talk negatively against anyone. I love Karylle,” at “I love you Karylle” sabay tag sa singer.

Nag-trending si Karylle dahil sa parang tinarayan ito ni Vice Ganda noong episode nila kahapon. Ang feeling kasi ng netizens ay binara ni Vice Ganda si Karylle nang sabihin nitong nadismaya si Vhong Navarro dahil sa iba ipinagamit ni Vice Ganda ang kantangni-rehearse ni Vhong.

Agad-agad namAng nag-sorry si Vice Ganda through Twitter and said, “Oh so I am being called out. Yes i acknowledge sablay ako dun. Potah sablay again. Bawi po ako. Bawi right away.”

Today, naglitanya si Vice Ganda at mukhang pinatamaan ang isang “kuya” sa kanyang aria.

“Sikat na sikat tayo ngayon, yes! Trending tayo sa Twitter, girl! Mamaya, magbi-video kami ni Karylle—magsasabunutan kami. Gusto nila ‘yon. ‘Yun ang bet nila, ‘yung mag-aaway tayo kunwari. ‘Tapos maraming nagla-like-like para involve sila. Yes, trending din siya. Nakuha niya ‘yung gusto niya. Ikaw talaga, kuya,” say ni Vice Ganda.

Of course, ang naisip ng netizens na pinatatamaan ni Vice Ganda ay si Kuya Kim Atienza. Madalas daw kasing i-like ni KuyaKim ang mga hate tweets about Vice Ganda.

One particular comment had Vice Ganda’s fans and supporters incensed and it was this netizen’s reaction, “Don’t mind the negatrons, Kuya Kim. Mga fantards lang ‘yan ng defunct station at ni kabayo. We love you.”

Of course, fans of Vice Ganda did not take it sitting down. Nag-react sila and they bashed Kuya Kim.

“C kuya Kim ang female version ni RR ENRIQUEZ. … ang hilig sumawsaw.”

“kuya kim manahimik ka na nasa kabilang istasyon ka na. may pinagsamahan din kayo ng mga taga showtime sana di ka naglalalike sa mga haters ni vice. usapan na nila un biruan nila wag mong gawing seryoso.”

“Basta ikaw VICE ang totoong POWERFUL kahit sa pagiging powefool SAKALAM ka uncavogable hahahaha.”

“biruan lang nila yun kunwari inaapi masanay na kyu kay vice ang pikon talo.”

* * *

TOP 28 DREAM CHASERS, MULING HAHARAP SA ELIMINASYON AT RANKING.

Kaninong pangarap kaya ang magpapatuloy sa darating na 4thranking at elimination round sa kauna-unahang idol survival show ng bansa sa “Dream Maker” ngayong weekend? Sa nakaraang misyon, nanalo ang grupong Topick sa kanilang performance ng “Hit Me.”

Bilang premyo, nakapagperform sila sa “Magandang Buhay” at “It’s Showtime” habang ang nakakuha ng ikalawang pwesto na Team Hunters ay nakasayaw din sa nasabing noontime show. Samantala, nagtrending at dinumog ng fans ang sunod-sunod na mall shows ng 28 Dream Chasers.

Panoorin ang “Dream Maker” tuwing Sabado at Linggo, 9:30 PM sa Dream Maker Online Hub, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWantTFC, and TFC IPTV.

Related Chika:
Sigaw ng netizens, Vice Ganda hindi na raw nirespeto si Karylle: ‘Magkaiba po yung pagbibiro sa pagiging bastos!’

Vice Ganda nag-apologize kay Karylle, may patutsada kay Kuya Kim?

Kim Atienza ibinandera ang kanyang ‘pandesal’, nakipagsabayan kina Jak at Jayson

Vice nagparamdam: Karylle may plano na nga bang layasan ang Showtime?

Read more...