Presyo ng LPG tumaas ng mahigit P120 kada tangke

Presyo ng LPG tumaas ng mahigit P120 kada tangke

INQUIRER file photo

PANIBAGONG problema ang kakaharapin ng mga konsyumer ngayong Pebrero.

Matapos kasing tumaas ang presyo sa sibuyas at petrolyo, malaki din ang dagdag-presyo pagdating sa “Liquefied Petroleum Gas” o LPG.

Nadagdagan ito ng mahigit P120 kada tangke.

Inanunsyo ng Petron Corp. at Phoenix LPG Philippines Inc. na nagtaas ng P11.20 kada kilo o P123.20 kada 11-kg na tangke ang kanilang LPG.

Ang Solaine naman umaabot ng P11.18 kada kilo o P123 kada tangke.

Base sa price monitoring ng Department of Energy (DOE) sa Metro Manila nitong Enero, ang presyo ng 11-kg na tangke ng LPG ay nasa P824 hanggang P995.

Pero dahil tumaas nga ‘yan ngayong Pebrero, ang kada tangke ng LPG ay pumapatak na ng mahigit P1,000.

Bukod diyan, tumaas din ang AutoLPG.

Ayon sa Petron at Phoenix LPG Philippines, tumaas ito ng P6.25 kada litro, habang ang Cleanfuel ay may dagdag na P5.50.

Sinabi ni DOE-Oil Industry Management Bureau (OIMB) Director Rino Abad na dalawang beses sa isang taon talaga tumataas ang presyo ng LPG.

Ito raw ay dahil pinupunan ng mga kumpanya ang imbentaryo ng kanilang produkto.

Sey pa ni Abad, inaaasahang bababa ulit ang presyo ng mga LPG pagdating ng Abril o Mayo.

“Hopefully, since prices peaked in February, it will stabilize in March and won’t [increase by] P10 per kg,” sagot ni Abad sa isang phone interview with INQUIRER.NET.

Read more:

Julia nagugulat sa gastos sa bahay: ‘Ay, may nagli-leak! May sirang ilaw! Yung kitchen, yung gas, yung tubig, yung kuryente!’

Read more...