Richard Quan grabeng dusa at sakripisyo ang ginawa bilang General Borgo sa ‘Darna’, 16 oras suot ang costume

Richard Quan grabeng dusa at sakripisyo ang ginawa bilang General Borgo sa 'Darna', 16 oras suot ang costume

Richard Quan

BILANG Rex Vanguardia and General Borgo sa “Darna”, sobrang hirap ng dinanas ni Richard Quan pero hindi naman siya nagrereklamo.

Ang feeling pa nga niya, hindi mababayaran ng kahit anuman ang  disiplinang natutunan niya sa pagganap ng dual character sa “Darna”.

“Sabi ko nga, ‘di ba usually may trabaho na kapag hassle na siya, sasabihin mo, hindi, sinusuwelduhan naman ako dito, eh.

“Ako, lumagpas na ako being that  sa pagkondisyon ko sa mind ko. Sasabihin ko, hindi, ‘yung iba nga naghihirap, at least ako nandito ako. Beyond that, after 10, 12 hours mong suot ‘yun, iba na ang sitwasyon.

“Pagdating ng 12 to 15 hours, iisipin mo, sa Ukraine nga ginegera sila, wala silang bahay. At least nandito pa ako, umaarte,” paliwanag niya sa finale mediacon ng series recently.


Nang matanong kung willing pa siyang gumanap ng dual role sa “Darna” sakaling may part two ito, sabi ni Richard ay willing naman siyang gumanap uli.

“Will I do it again? Malamang. Is it worth it? Not sure kung worth it.  Pero dapat ba ginawa ko? Definitely.

“Otherwise, question ko ‘yun buong buhay ko. Ano ‘yung feeling. Ano ang matutunan ko.  Ano ‘yung experience ko. Definitely, I’ll do it again,” say niya.

As Borgo, sobrang dusa ang inabot ni Richard sa kanyang costume na suot niya for 12 to 16 hours. Imagine that, ‘di ba ang hirap nga,  physically, ng kanyang role.

“After three hours okay ka pa. After five hours medyo makati na siya, marami kang mararamdaman physically. Six hours, mentally nawawala ka na sa mood.

“Aarte ka pa, makikisama ka sa set so you have to put your mind sa relax na state na makatrabaho ka pa, maka-function ka nang maayos,”  say niya.

Nasa last two weeks na ang “Mars Ravelo’s Darna”  at mapapanood ito weeknights at 8 p.m. sa Kapamilya Channel at iba pang platforms.

* * *

Bumuhos ang papuri ng manonood sa tapatan nina Apollo (Richard Gutierrez) at Eros (Jake Cuenca) para malaman ang kani-kanilang totoong katauhan at pakay sa loob ng Tatsulok noong Biyernes (Enero 27) sa “The Iron Heart.”

Tinutukan ng netizens kung paano sinubukang kumbinsihin ni Apollo si Eros na magtulungan sila sa pagpapabagsak ng Tatsulok.

Ani ni Lolita Gonzales, “Ang galing niyo talaga Tisoy at Eros. Excited sa bawat kabanata ng inyong palabas. Hindi kumpleto araw ko kapag hindi ko kayo napapanuod.”

“Level up talaga ang ‘Iron Heart.’ The best ang ABS-CBN,” komento ni Florvel Leano.

Saad ni Jojit Patungan, “Galing ng ABS pati mga artista magaling bawat eksena.”

“Award-winning ang ganitong action. They really did the best job,” dagdag ni Aisa Villegas.

Para naman sa ibang manonood, pang-international din daw ang fight scenes ng serye.

“Kaya nitong makipagsabayan sa kdramas .. pang Netflix,” sabi ni Wander2wonder.

Sa mga darating na araw, abangan kung tuluyang maging magkakampi sina Apollo at Eros lalo pa at nagtulungan silang masagip ang buhay nina Venus (Sue Ramirez) at Nyx (Sofia Andres).

Mas marami pang pasabog ang darating sa pagpasok ng karakter ni Ian Veneracion at kung ano ang kanyang koneksyon kay Helen (Maricel Laxa).

Tutukan ang “The Iron Heart,” 8:45 p.m. sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.

Jane de Leon umamin: Lumaki po ako sa hirap, yung P100 pinagkakasya po namin dati ni Mama

Sey mo Alex sa hugot ni Dawn Chang: ‘Uy, hindi ako namumunas ng icing! Hindi ako ganu’n!’

Paolo nakiusap kay Lolit Solis na tantanan na siya: Mamaya ma-stroke na naman ang mama ko…

Read more...