Ogie Diaz dinepensahan si Paolo sa umano’y ‘fake’ na pag-iyak: ‘Mukhang may kasamang guilt’

Ogie Diaz dinepensahan si Paolo sa umano'y 'fake' na pag-iyak: 'Mukhang may kasamang guilt'
IPINAGTANGGOL ng talent manager na si Ogie Diaz ang malapit nitong kaibigan na si Paolo Contis patungkol sa diumano’y “fake” nitong pag-iyak.

Sa kanyang YouTube channel na “Showbiz Update” kung saan kasama niya sina Tita Jegs at Mama Loi ay napag-usapan nga nila ang naging panayam ni Paolo kay Boy Abunda.

Ani Ogie, hindi naman daw peke ang naging pag-iyak ni Paolo at makikitang sinusubukan pa niya itong pigilan.

Matatandaang naging emosyonal ang aktor matapos ma-bring up ang kanyang mga anak sa interview.

“Kilala ko yan 9 years old palang. Alam ko kung kelan siya namemeke ng iyak. para mabasag, para magaralgal yung kanyang tinig, tapos lumulunok-lunok pa si paolo nun, talagang pinipigilan niya kaya lang hindi na niya makayanan kasi anak na ang pinag-uusapan,” pagpapaliwanag ni Ogie.

Dagdag pa niya, “Kasi Jegs, yung iyak ni Paolo may kasama nang guilt. Ang dami niya talagang pagkukulang sa kanyang mga anak.”

Naikuwento pa nga ni Ogie na madalas niyang kausapin at bigyan ng payo ang kanyang kaibigan na makipag-ugnayan sa kanyang mga anak.

Nagbigay rin ng mensahe ang talent manager sa kanyang malapit na kaibigan patungkol sa pinagdaraanan nito ngayon.

“Paolo,wala kang hindi kinaya, kayanin mo yan,” sey ni Ogie.

Related Chika:
Paolo Contis sa paghihiwalay nila ni LJ Reyes: ‘Bakit ako magso-sorry sa tao? Wala naman silang kinalaman sa mga nangyari’

Janno Gibbs diretsahang sinabi kay Ogie Diaz: Nagkaroon ako ng sama ng loob sa ‘yo

Paolo kay LJ: Aaminin ko, naging marupok at g*g* ako…I’m very sorry for everything, sa lahat-lahat

Ogie Diaz may patutsada sa taong ayaw magbayad ng utang

Read more...