Dina Bonnevie hindi raw nainis nang tawaging ‘artistang matanda’, may galit kaya kay Alex Gonzaga?

Dina Bonnevie hindi raw nainis nang tawaging 'artistang matanda', may galit kaya kay Alex Gonzaga?

INAMIN ng beteranang aktres na si Dina Bonnevie na hindi siya na-offend nang tawagin siyang “artistang maganda” ni Alex Gonzaga.

Matatandaang sa isang podcast episode ng TV host-vlogger na “Ano Na Catherine” ay inilahad nito ang kanyang naging encounter sa isang “artistang matanda” na nagdulot raw ng trauma sa kanya matapos siyang sigaw-sigawan nito mula ulo hanggang paa.

Kaya nga sa live guesting ni Dina sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes, January 31, iginiit niyang walang katotohanan ang pagsigaw niya rito.

Aniya, dito raw siya talaga nainis dahil wala raw itong katotohanan at hindi sa pagtawag sa kanya bilang “artistang artista”.

“Hindi rin totoo na pinagsisigawan ko [siya] ng ulo hanggang paa. Kasi yung setting namin, nasa simbahan. There was a chapel there, it was somewhere in Antipolo,” saad ni Dina.

May mga netizens nga raw na nagsabi sa kanya na patulan na raw ito at magsalita na dahil sa paraan ng pagtawag nito sa kanya.

“Yung mga tao ang nagsasabi, ‘Sagutin mo na, ang bastos, tinawag kang matanda!’ Actually, hindi ako na-offend na tinawag akong matanda.”

Dagdag pa niya, “It’s true, matanda na ako. I’m 61. But I’d like to see people at 61 if they’re still looking fresh. Sorry, but I feel fresh, and I think I look fresh, di ba? Hindi ako na-offend dun.”

Kuwento pa niya, nag-guest pa siya sa TV show ni Alex na “Lunch Out Loud” at okay naman daw silang dalawa.

Sey ni Dina, “Kaya ako nagulat na bakit dumating na parang ‘matandang artista’ and ‘when you’re painted as the bad guy’?

“Parang for me, dun ako nainis, kasi painting you as a bad guy and inventing stories to make you look bad. I wasn’t inventing stories. But that’s past. It’s changed. Nagbago naman siya bago matapos yung taping. Okay, hindi ako galit sa kanya.”

Ang tinutukoy na “taping” ni Dina ay ang ginawa nilang teleserye noon sa TV5 na “P.S. I Love You” kung saan niya pinagsabihan si Alex sa pagiging unprofessional nito.

Related Chika:
Dina Bonnevie dinipensahan ng netizens laban kay Alex Gonzaga: ‘Own up to your mistake’

Alex bugbog uli sa fans matapos mabuking na nagalit kay Nadine dahil mas nauuna pang umiyak sa kanya sa eksena

Dina Bonnevie nag-celebrate ng birthday, may patutsada: Cakes are to be eaten

Dina Bonnevie awkward nga bang makipag-close kay Pauleen Luna?

Read more...