Mahulaan n’yo kaya kung sino siya?
NAGBABAKASYON ngayon sa Pilipinas ang dating sikat na personalidad at para hindi masayang ang pamamalagi niya rito ay naghahanap siya ng pagkakakitaan na nabanggit niya sa ilang kaibigan sa showbiz.
May trabaho naman sa ibang bansa ang dating sikat na personalidad pero sarili niya ang oras niya kaya keri lang siyang magtagal sa Pinas pero dahil wala namang pumapasok na pera kaya need niyang rumaket.
May nakuha naman ang kaibigan niya para sa upcoming TV series sa network na matatag kung ikukumpara sa ibang TV network sa bansa dahil wala itong pagkalugi.
Nakipagnegosasyon na ang kaibigan ng dating sikat na personalidad sa management ng TV network at sinabi nito ang talent fee na sinabi sa kanya.
Nagulat ang management dahil sobrang laki ng hinihingi ng dating sikat na personalidad through his friend who negotiates for him.
Sabi raw ng TV executive, “Huh? Hindi kamo siya bida, support lang siya bakit ang taas? Matagal siyang nawala, kung baga ipapakilala ulit siya sa tao kasi ang karamihang viewers na ngayon millennials at Gen Z.”
Maging ang source namin na pinagkuwentuhan ng kaibigan ni dating sikat na personalidad ay speechless.
Sabi na lang daw ng executive ng TV network, “Baka mas magandang bumalik na lang siya kung saan siya nagwo-work.”
Tinanong namin kung magkano ang asking TF nitong dating sikat na personalidad para maging ganu’n ang reaksyon ng TV executive.
Kami rin ay speechless, umiinom kaya ng kape ang bakasyunistang celeb na ito kasi wala siyang nerbyos. E, budget na ito series sa online platform.
At take it or leave it ang drama kaya pala sinabing “bumalik na lang siya kung saan siya nagwo-work” ang sagot ng bossing ng network.
Sikat na celebrity may hugot sa kilalang aktor: Ang hilig niyang mamikon, tapos siya pikon!?
Kilalang celebrity naloka, sumakit ang ulo sa napanood na pelikula: Para akong nabudol!
Pelikulang gagawin sana ng sikat na aktres at aktor napurnada dahil sa selosong dyowa ni ate gurl