MAHIGPIT na binabantayan ngayon ng OCTA Research Group ang “positivity rate” o bilang ng mga nahahawaan ng virus sa Metro Manila.
Ayon kasi sa grupo, isang araw lang ang lumipas ay bahagya na itong tumaas.
Sa Twitter post ni OCTA Research fellow Guido David, sinabi niya na tumaas ang positivity rate ng NCR ng 2.4% nito January 27.
Mas mataas ‘yan kumpara noong January 26 na nasa 2% pa lang.
Tweet niya, “NCR 7-day positivity rate inched back up to 2.4% (as of Jan 27) from 2.0% just a day ago.”
Patuloy pa niya, “A week ago (Jan 20) it was at 2.5%.
“We will monitor this over the next few days to see if the trend continues upward.”
NCR 7-day positivity rate inched back up to 2.4% (as of Jan 27) from 2.0% just a day ago. A week ago (Jan 20) it was at 2.5%. We will monitor this over the next few days to see if the trend continues upward. #COVID19 #covid @dzbb @DZAR1026 @dzrhnews @allangatus @News5PH pic.twitter.com/sJL5QHgAId
— Dr. Guido David (@iamguidodavid) January 29, 2023
Ang itinakdang positive rate benchmark ng World Health Organization (WHO) ay below 5%.
Samantala, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 199 na mga bagong kaso ng COVID-19 as of January 28.
Habang nasa 10,038 naman ang active cases o patuloy pa ring nagpapagaling sa virus.
Base pa sa data ng DOH, ang Metro Manila ang may pinakamaraming bilang ng bagong kaso at kasunod diyan ang Negros Occidental at Davao del Sur.