Dina Bonnevie nag-celebrate ng birthday, may patutsada: Cakes are to be eaten

Dina Bonnevie nag-celebrate ng birthday, may patutsada: Cakes are to be eaten

Dina Bonnevie

NAGING laughing stock na ang ‘pahiran ng cake’ issue ni Alex Gonzaga dahil marami kaming kakilalang nagdiwang ng kanilang kaarawan ay ito parati ang sinasabi na ‘walang pahiran ng cake’. May iba naman na game magpa-pahid ng cake.

Isa na ang aktres na si Dina Bonnevie na nakasama ni Alex sa TV5 series na “Babaeng Hampaslupa” noong 2011 ay nagsabing hindi niya papahiran ng cake ang waiter at waitress na may hawak para i-blow niya.

Sa isang viral video na in-upload sa Twitter ni @ALTStarMagic nagdiwang ng kaarawan niya si Dina kahapon, Enero 27 sa isang restaurant ay may waiter siyang katabi na may hawak ng cake na puro fruits at medyo lumayo ng konti ito sa takot nab aka mapahiran siya.

Sabi ni Dina, “hindi naman kita papahiran, magpapasalamat ako sa ‘yo (tumawa ang waiter).” Sabay kuha ng aktres at inilapag ito.

May isa pang cake na ibo-blow ni Dina na hawak naman ng waitress at sabi nito, “thank you so much for the cake. Cakes are to be eaten and not to be pasted on other people’s faces.”

Sa sinabing ito ni Dina ay halatang pinatamaan nito si Alex dahil sa ginawa nitong pamamahid ng cake sa waiter na si Ginoong Allan Crisostomo na sa kalaunan ay humingi na rin ng dispensa ang aktres/content creator.

Mukhang naka-isa ang premyadong aktres sa batang Gonzaga dahil matatandaang pailalim ding tinira nito ang una sa pamamagitan ng blind item nan a-trauma raw siya sa veteran actress na ipinahiya siya sa set ng programa dahil lagi siyang late.

Obviously, si Dina iyon dahil ang senaryo ay ang series na Babaeng Hampaslupa kung saan dumating pa si Alex nan aka-pantulog.

Anyway, sana matapos na ang isyu tungkol sa cake, move on na tayo.

 

Related Chika:
Dina Bonnevie dinipensahan ng netizens laban kay Alex Gonzaga: ‘Own up to your mistake’

Joey sa isyu nina Alex at Dina: Wala yan! Ako, matindi, pag may nale-late nilalayasan ko yung show at pinapasara ko

Dina Bonnevie muling nakipag-bonding sa mga apo kay Oyo Boy

Dina Bonnevie awkward nga bang makipag-close kay Pauleen Luna?

Read more...