Clara Benin naglabas ng bagong kanta, inspired sa lumang pelikula

Clara Benin naglabas ng bagong kanta, inspired sa lumang pelikula

PHOTO: Courtesy OFFMUTE Sony Music

NILABAS na ng tinaguriang “indie darling of the Philippines” na si Clara Benin ang kanyang unang kanta ngayong taon.

Ito ay pinamagatang “different…” na inspired sa isang romance-comedy classic film, ang “When Harry Met Sally.”

“I wrote this song after being inspired by the movie, When Harry Met Sally,” sey ni Clara.

Ang kanta raw ay tungkol sa isang mabuting pagkakaibigan na nagpaplanong dalhin sa next level ang kanilang relasyon.

Ayon sa singer, “My song ‘different…’ is about having a really good friendship with someone and wondering if you two could take that relationship somewhere different.”

Para sa kaalaman ng marami, si Clara ay anak ng isa sa mga miyembro ng Side A na si Joey Benin.

At bilang supportive dad, si Joey ang tumugtog ng bass sa bagong kanta ng kanyang anak.

Naikwento pa ni Clara na noong 2021 pa niya sinimulang i-record ang “different…” habang sila ay nagbabakasyon at ipinagpatuloy na lamang sa kanyang studio.

“We went for a more stripped-down instrumentation so we could really highlight the lyrics,” pagbubunyag ng talented singer-songwriter.

Patuloy pa niya, “I really wanted to play around with more organic sounds. Majority of the percussive sounds that you hear in this song are actually just Gabba tapping on random things around my studio.”

Related chika:

Ai Ai super touched sa monthsary gift ni mister: Crayola akiz bakla! Pero na-surprise ako grabe!

Read more...