‘Darna’ kanselado na raw sa Indonesia, true kaya?

Darna kanselado na raw sa Indonesia, true kaya?

HABANG isinusulat namin ang balitang ito ay nagpadala na kami ng mensahe sa taga-Kapamilya network para hingan ng official statement ang JRB Creative Productions headed by business unit head, Ms Julie Anne Benitez na nahinto na ang pagpapalabas ng “Darna” series sa bansang Indonesia.

Na-post ng Hola sa FB page na kinansel na ng ANTV free TV ang pagpapalabas ng “Darna” series ni Jane de Leon pagkalipas nang dalawang linggo.

Base sa nabasa naming post, “Matapos lang ang dalawang linggo sa ere, itinigil na umano ang pagpapalabas ng Kapamilya fantaserye na ‘Mars Ravelo’s Darna’ sa bansang Indonesia.

“Ayon sa mga balita, pinull-out na at hindi na ngayon ipinapalabas ang serye sa ANTV na isa sa free tv sa kanilang bansa dahil sa hindi raw akma sa mga nakagawian at kultura ng mga Muslim at batas ng Indonesia ang ilang eksena ng nasabing palabas.

“May pagkakataon raw na hindi na makita ang bidang aktres na si Jane De Leon na nakasuot ng Darna costume dahil sa sobrang pag-blur sa kanya sa show.

“Isang Muslim country ang bansang Indonesia kaya naman may mga nakagawian at kultura ang mga tao roon na kaiba kumpara sa atin. Iba rin ang batas na umiiral sa kanilang bansa na kailangang masunod.

“Sa ngayon ay isang re-run ng local program nila sa Indonesia ang ipinalit sa timeslot na iniwan ng “Darna”.

Samantala, napag-alaman namin na hindi ang JRB Creative Productions ang kausap ng ANTV kundi ang International Sales division ng ABS-CBN kaya hanggang sa matapos naming sulatin ito.

* * *

Mainit na pinag-usapan sa social media ang mga kapanapanabik na mga eksena sa “Dirty Linen” ng ABS-CBN matapos makakuha ang pilot episode nito ng iba’t ibang trending topics kabilang na ang official hashtag na #DLMissing4 na nakakuha ng higit 40,000 tweets.

Tinutukan ng mga manonood kung paano nalamon sa galit at nangakong maghihiganti si Alexa (Janine Gutierrez) laban sa pamilya Fiero matapos mapatay ng makapangyarihang pamilya ang nanay niyang si Olivia (Dolly De Leon), kabilang din ang tatlo pang kasambahay.

Inulan ng iba’t ibang papuri ang serye partikular na ang mga makapigil-hiningang mga eksena, musical scoring, at ang mahusay na pagganap ng mga bidang sina Janine, Zanjoe Marudo, Francine Diaz, Seth Fedelin, Angel Aquino, John Arcilla, Janice De Belen, Epy Quizon, at Tessie Tomas.

Trending sa Twitter Philippines ang #DirtyLinen, #DLMissing4, Francine as Chiara Fiero, Seth Fedelin, Nico Sinag, Dolly De Leon, Angel Aquino, at #JanineGutierrez at inaabangan na ng netizens ang mga susunod pang matitinding kumprontasyon.

“What a pilot episode! The first episode sent me on an emotional roller coaster that left me gasping for air and compelled me to keep watching to find out what would happen next. You’ll be entranced by the musical scoring of dirty linen #DirtyLinen,” sabi ni @jnthncrtz27 sa Twitter.

“May ganito talagang local series? Ganito ang WORLD CLASS. Napakaganda! Napakahusay ng pilot episode. Nag-uumpisa pa lang, hindi mo na mapipigil ma-excite,” tweet ni @tinosantinooo.

“NW: #DirtyLinen. Sure enough, this would be my newest addiction. This is the kind of genre i wished & waiting to watch in a TV. This isnt just a teleserye, THIS IS GENUSELY MASTERPIECE psycho TS. Goosebumps! Pilot episode pa lang, pati commercial ayaw kong palagpasin,” sabi naman ni @iamanjelofactor.

Sa pagpapatuloy ng kwento, sagad na sa galit si Alexa kaya sisimulan na niya ang kanyang paghihiganti at papasok siya bilang kasambahay ng mga Fiero. Dahan-dahan niyang iimbestigahan ang mga itinatagong sikreto ng pamilya at magsisimula siya sa pang-aakit kina Aidan (Zanjoe) at Ador (Epy) sa tulong ng kanyang mga kaibigang sina Rolando (Joel Torre), Max (Christian Bables), at Lala (Jennica Garcia).

Huwag palampasin ang “Dirty Linen” gabi-gabi ng 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Dirty Linen.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Related Chika:
Paglipad ni Jane de Leon bilang Darna sa Indonesia waging-wagi; ‘Viral Scandal’ hataw sa 41 bansa sa Africa

Mga bida at kontrabida sa ‘Dirty Linen’ bardagulan sa aktingan, Dolly de Leon agaw-eksena agad

‘Darna’ mainit na tinanggap ng Indonesian viewers, ‘Viral Scandal’ palabas na rin sa Africa

Francine Diaz, Seth Fedelin magtatambal sa seryeng ‘Dirty Linen’, comment ni Andrea Brillantes: Congrats!!!

Read more...