ANG payat at ang ganda ng aura ngayon ng singer/songwriter na si Moira Dela Torre at kapansin-pansin na blooming pa.
Tinanong namin ang handler niya sa Cornerstone Inc na si Mac Merla at nabanggit nga na masaya si Moira ngayon at inspired at ang dami nitong ganap sa buong 2023.
“Fully booked na kami ng buong 2023, may mga out of the country pa at pinaghahandaan niya itong Araneta concert niya,” say ni Mac nang maka-tsikahan namin kamakailan.
Ang binabanggit ni Mac ay ang solo concert ni Moira sa February 3, Araneta Coliseum bilang kick-off para sa gagawing 2023 World Tour tulad sa mga bansang Qatar, USA, at Canada simula February hanggang April.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa tour, maaaring bisitahin ang bit.ly/MoiraTour2023.
Samantala, kinumusta namin si Jason Marvin na estranged husband ni Moira since pareho sila ng handler.
“Okay naman si Jason, busy din kasi may binuksan siyang negosyo with friends, plus may bagong song din siya ngayon,” kaswal na sagot sa amin.
Aminado si Mac na nalungkot siya sa nangyari sa pareho niyang alaga kaya support na lang siya sa dalawa.
Anyway, sunud-sunod ang bleassings kay Moira dahil kahit wala siyang lovelife ay bongga ang career niya
Kamakailan ay tinannghal siyang Most Streamed Filipina Artist sa 8th Wish Music Awards na ginanap sa Araneta Coliseum.
Dalawang award ang natanggap nito, ang Wish Artist of the Year award at Wish Ballad Song of the Year award para sa awiting Kumpas na naging soundtrack ng TV series na 2 Good 2 Be True nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Makakatanggap ng tig-P100,000 premyo para sa dalawang award at ibinigay naman niya sa Virlanie Foundation, Inc. na napiling charity ni Moira bukod sa tig-P25,000 na cash prize.
Ikalawang taon na ito ni Moira na nanalo bilang Wish Artist of the Year dahil last year, 2022 sa 7th Wish Music Awards ay siya rin ang winner.
Dalawang OPM artists na ang nanalo ng award nauna na si Morissette noong 3rd Wish Music Awards.
Sa acceptance speech ni Moira nang tanggapin niya ang award, “I dedicate this to everybody who have felt lost, who have felt like they don’t know where to go. But if there’s anything that I’ve learned in the last few months, it’s that if nothing goes to plan, God is a much better planner, than we will ever be.
“I think the difference between the Moira then and the Moira now is that today I accept this award not hiding behind the people that make me better, but fully embracing myself knowing that I stand before you fully confident and knowing my worth.”
Jason Hernandez kinumpirmang hiwalay na sila ni Moira dela Torre: I’m sorry for everyone I hurt…
Moira dela Torre bentang-benta sa Dubai, tinawag na ‘Phenomenal Queen’ ng fans