‘Underage’ star Lexi Gonzales napaiyak dahil sa nangyayari ngayon sa kapatid na may special needs

'Underage' star Lexi Gonzales napaiyak dahil sa nangyayari ngayon sa kapatid na may special needs

Lexi Gonzales

NAGING emosyonal ang Kapuso actress na si Lexi Gonzales nang magbigay ng upadate sa publiko tungkol sa kanyang kapatid na may special needs.

Nabanggit ni Lexi noon sa isang panayam na talagang sumali siya sa “StarStruck” season 7 para matulungan ang kanyang lalaking kapatid na may autism.

Masayang ikinuwento ng “StarStruck” Season 7 First Princess na nag-aaral na ang kapatid at  naibibigay na rin niya ang mga pangangailangan nito.

“Now he’s studying. Nabibigay na namin lahat ng needs niya, OT therapy, and other than that, siyempre, ‘yung wants din niya,” ang pahayag ng dalaga sa latest episode ng “Updated with Nelson Canlas” podcast.

Nagpapasalamat din siya sa Panginoong Diyos dahil nakikita na nila ang development at progress mula noong magtulung-tulong ang kanyang pamilya sa pagpapagamot sa kapatid.


“I know na it’s really expensive kaya sabi ko I need to find a way to provide for him. Agad-agad kasi ‘di ba the earlier na mapa-OT therapy siya, the earlier na mabigay needs niya, the better kasi mas malaki ‘yung magiging progress niya.

“So I think, dagdag ‘yun na pressure before. Pero now na things are going well, I am just really beyond grateful kasi nakikita ko kung gaano din ‘yung development niya,” sabi pa ni Lexi na napapanood tuwing hapon sa Kapuso series na “Underage.”

Sa isang bahagi ng panayam ay naluha si Lexi habang ikinukuwento ang nakikita nilang magandang pagbabago sa kapatid na may mental health condition.

“Now, he plays the piano and he’s finding a hobby na he really likes. So, nakakatuwa lang na nakikita ko ‘yung kapatid ko na he’s also getting better,” aniya pa.

“I felt really grateful and thankful na First Princess ako ng StarStruck kasi hindi ko ine-expect na makakapasok ako.

“Also, winning the title First Princess, hindi ko talaga inaasahan. When it happened, I was just really thankful and lahat nagbago right after that.

“Sunod-sunod na ‘yung guestings, ‘yung shows na natatanggap ko, trabaho. Then nag-start na akong magkaroon ng chance na matulungan talaga ‘yung family ko and I really felt that I was doing something for myself and for the people I love,” saad pa ni Lexi sa panayam naman ng GMA Network.

Lexi, Elijah, Hailey napasabak sa matinding dramahan sa TV remake ng ‘Underage’; nagbabala sa paggamit ng social media

Glaiza, Kokoy, Buboy, Lexi, Angel napamahal na sa South Korea: Very thankful na nakauwi kami ng safe at walang nagkasakit sa amin

Maxene tinawag na astig, totoong tao si Charlie; Lexi super happy sa piling ni Gil

Read more...