Gladys Reyes, Christopher Roxas 30 years nang magdyowa: ‘Bebe, we are not lucky, we are truly blessed!’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Christopher Roxas at Gladys Reyes
MAKALIPAS ang 30 years, mas tumibay pa ang pagsasama ng celebrity couple na sina Gladys Reyes at Christopher Roxas.
Yes, tatlong dekada nang magdyowa sina Gladys at Christopher at habang tumatagal ay mas lalo pang nagiging solid ang kanilang relasyon bilang mag-asawa.
Sa Instagram post ng TV host at Kapuso actress, muli niyang ibinandera ang kanyang abot-langit na pagmamahal sa kanyang husband.
Kalakip ang ilan nilang sweet photos, tinawag ni Gladys ang kanyang mister na “forever love.”
“Thirty years of togetherness. My boyfriend for 11 years and my husband for 19 years. Cheers to 30 years and more,” ang caption ng magaling na kontrabida sa kanyang anniversary greeting.
Para naman kay Christopher, isang napakalaking blessing sa buhay niya si Gladys at looking forward pa siya sa mas marami pang taon ng kanilang pagsasama.
“God, thank you for the 30 years. We are truly grateful. Bebe, we are not lucky, we are truly blessed,” ang mensahe naman ng aktor at negosyante sa kanyang Instagram post.
Unang nagkakilala at naging close sina Gladys at Christopher nang magkasama sila sa ABS-CBN drama series na “Mara Clara” na umere noong dekada 90. At ngayon ay may apat na silang anak.
Noong January, 2004, ikinasal sina Gladys at Christopher at taong 2018, nag-renew sila ng wedding vows bilang paggunita sa kanilang silver anniversary.
Dinaluhan ito ng kanilang mga kapamilya, kaanak at malalapit na kaibigan kabilang na ang kanyang BFF at co-star sa “Mara Clara” na si Judy Ann Santos.
Sa isang panayam, ibinahagi ni Christopher ang isang sikreto sa maayos na pagsasama nila ng asawa, “Sa part ko, parating simplehan lang. Simplehan lang namin tapos alamin mo lang ‘yung gusto mo talaga. Alam lang namin ‘yung gusto namin talaga sa isa’t isa.”
Para naman kay Gladys, malaking bahagi sa kanilang relasyon bilang mag-asawa ay ang pananampalataya, “Lagi kong sinasabing malaking bagay ‘yung faith namin. Prayers, patience, at partnership.”